Di masamang magkagusto at lalong di masamang magmahal Ng totoo pero bakit pag tayo nagkagusto at nagmahal Ng totoo natotorpe tayo? Ung tipong lage ka na lamang nananahimik sa isang tabi pag parating sya at lage ka na lang naco conscious sa sarili mo at feeling mo napakapanget mo. May pagkakataon ding pag tinitigan ka nya bigla bigla ka na lang yuyuko na parang may ginawa kang mali, unting kilos mo lage ka na lang nag-iisip na kung tama ang gagawin mo o mali, para tayong babae parang “Maria Clara” takot na takot magpakita sa mga lalake.HEHEHEHEHE.nakakatawa talaga ang pinagagawa natin tuwing tuwing nandyan sys. Kelangan pang magpapogi, mag mukang fresh, ung mabango pa impress kung baga. Naghihintay kang sabihin sayo “Ang Yummy mo naman” ay di pala ganto pala “Iba ka ngaun ah?” mapapaYES ka sa ligaya, kakalabog ang iyong puso, lalakas ang kaba.HEHEHEHE. pero hanggang pasalamat ka lang tapos wala na hanggang dun lang. Di mo alam kung pano sisimulan ang conversation mo sa kanya, sa dami dami Ng sasabihin mo ay parang script na di mo inaasahang makakalimutann mo dahil sa pressured mo kala mo ang kausap mo ay ang mga audience na pinapanood ka habang nasa entablado, Kahit di mainit ang panahon at di ka natatae ay pinagpapawisan ka sa sobrang uhmmmm..Torpe. Ung patawa mo sa ibang tropa, kahit corny joke mo di mo na mailabas sa kanya, wala narin ung common sense mo masyado kang seryoso hanggang lumiit ung ulo mo sa kakasalita nya. ANO KA BA PIPI? ORAS NA PARA MAGPAKATOTOO KA NA, HAYAAN MONG MAGUSTUHAN KA NYA SA PAGIGING IKAW MO!!!!! Try to be your self wag kang pa winky winky tulad Ng iba dyan. Alam mo ang tunay na pag-ibig madali lang ang biyahe kaya pag dumaan sayo parahin mo at sumakay ka…. Kasi baka dina bumalik un, cguro babalik pa….. Pero pano kung may sakay Ng iba? Sasabit ka na lang ba? WHAT A QUOTES. HEHEHEHEH..Wag ka Ng totorpe torpe kung ayaw mong maging sabit. Isipin mo na lang na may babae ring torpe na di rin maamin ang tunay nilang nararamdaman. XENXA sa mga natamaan sa ginawa kong eto. Kahit naman ako ay ganito isa ring hamak na TORPE, kaya lang ako sumulat Ng ganito upang mang gising at ipaalam na magpakatotoo lang tayo. Cguro nga ayaw lang nateng makagawa o makapagsalita Ng ikababadshot nila sa aten…..Sa tingin mo????
###############################
By: Ramon Samson "Sino bang hindi matotorpe dyan sa kanyang mahusay at magaling na pagkakahubog ng ating mahal sa diyos"
heheheheheh!!!! cguro nga naiinlove narin agad ang mga sanggol... bat di nyo obserbahan ng mabuti ang bata ang kanyang body language.hehehehe... malay naten paglabas ng bata sa sinapupunan ng ina ay nakita nya na agad ang nagpaanak sa kanya tumibok na agad ang kanyang puso.... heheheh.. ano ba itong pinagsasabi kooo... cguro nga par akong bata sa pinagga2wa ko.. nakakalungkot isipin naiinlove talaga ako...SHITTTTTTTTTTT.
“Grabe nakita ko siya kanina kumpleto na naman ang araw ko…”
“…
nginitian niya ako shocks! And cute cute talaga niya!”
…ayan, ayan ang kadalasang maririnig mo dun sa mga taong patay na patay sa crush nila. Araw-araw, paulit-ulit na lang na ganyan. Pero ok lang yon kasi normal lang naman kasi iyan. If I know isa ka rin naman dun sa mga taong halos himatayin na makita lang ang crush nila o kaya naman abut-abot ang kaba kapag nakikita mo na siyang paparating. Ganyan ang feeling kapag may crush, tipong para kang angel na lumilipad sa sobrang gaan ng feeling. Saka iba yung pakiramdam na hindi mo maipaliwanag. Kaya kapag ganito ang nararamdaman mo, naku ineng magingat-ingat ka na. Masarap nga ang feeling niyan pero meron din naman iyang side effects, perwisyo din yan sa buhay at sakit sa ulo dahil puyat ang aabutin mo gabi-gabi sa kakaisip at tatadtarin ka pa ng pimples sa mukha. At naku day,kapag lumagapak ka diyan sa kalilipad mo... OUCH!
Pero siyempre, hindi mo na maiisip iyon lalo na kapag nakikita mo na ang pamatay niyang face. Andiyan na yung maiimagine mong knight in shining armor siya at ikaw yung damsel in distress.O kaya naman, maiisip mo na siya si Romeo at ikaw ang kanyang Juliet. Kacorny-han pero talagang nangyayari iyan. Ikaw ba naman yung patay na patay dun sa tao eh, natural magpapapansin ka to the max. Tipong makasalubong mo lang sa campus halos ipagtulakan mo na ang sarili mo sa kanya and take note, nagkakandarapa ka diyan kasi ikaw ang tumutulak sa sarili mo dahil wala ka namang katabi. Andiyan din yung kahit magkadikit lang ang balikat ninyo eh sobrang saya mo na, as in magtatatalon ka na at magtititili kapag ikaw na lang mag-isa. Aba iha, ang haba ng hair mo! Matingnan ka nga lang o kaya makausap eh halos himatayin ka na. Para kang napunta sa ibang dimension na siya lang ang nakikita mo. At ang face take note, parang tinapalan ng sandamukal na blush-on. At hindi lang iyan, kung ano-ano pang pagpapacute ang gagawin mo mapansin ka lang niya, tipong magtatumbling ka na sa buong quadrangle at gagawa ka na ng circus para lang makuha ang atensiyon niya. Andiyan din yung mukha ka nang aso sa kakabuntot sa kanya, kulang na nga lang hanggang bahay nila sundan mo siya eh. May iba naman diyan kung anu-anong kaweirdohan ang pinaggagagawa. Gumawa daw ba naman ng collection ng mga basurang ginamit ng crush nila. Andiyan yung bote ng mineral water na pinaginuman niya, balat ng chichirya na pinagkainan niya, yung tinapon niyang ballpen na walang tinta, at kung anu-ano pang kaek-ekan. Believe it or not may mga weirdo talaga diyan sa tabi-tabi na gumagawa nun. Bato-bato sa langit, ang tinamaan hindi umilag. Meron din naman pasimple pang magtatanong-tanong ng kung ano-anong bagay tungkol kay crush. Full name, nickname, phone at cell phone number, address at kung ano-ano pang chuva diyan. Minsan nga nakasulat pa yan sa notebook eh. Message na lang ang kulang slum book na.
Pero mas madalas, deadma pa rin ni crush ang beauty mo. Tipong kahit magsasasayaw sayaw ka na sa harapan niya,wa effect pa rin...aba! ang sarap kotongan nitong mokong na to ah! pasalamat siya at cute siya. Pero girl bago ka manggigil diyan, just stop and think first, these things are not meant to be taken seriously. Huwag mong masyadong career-in ang pagpapapansin para hindi ka masyadong madisappoint kapag dineadma ka. Kapag forever ka nang super pacute tapos ligwak pa rin ang beauty mo, eh tigilan mo na. Baka abutan ka na ng forever diyan, ikaw rin. Kung happy ending ba o hindi, no one knows. Basta ang moral lesson, kapag dineadma ka pa rin after everything...gayumahin mo na..
Ang haba haba na ng sinulat ko,hindi ko na alam kung pano lalagyan ng ending...
I miss her, more than I thought possible. I miss the sound of her soothing voice; the sweet scent of her perfume; her hearty laugh whenever I share a personal funny anecdote even though it’s not humorous for the most part; the curve of her body next to mine; the light she brings whenever she’s around. I miss sitting by the window in her embrace on rainy days or some quiet nights we spend reading a book. I miss our long talks over a cup of coffee in the moonlit night on the rooftop of our apartment. Most of all I miss being loved by her.
She was the leading lady of a class-produced film were I was the director. Actually, she voted me to be the director, for which I became grateful later on because we spent a lot of time together. As we were making the script for the short film, we were making a story for ourselves as well. But of course for a good story to be a success, there has to be some type of conflict or complication. Although it was not easy to build one for our characters it wasn’t at all difficult for us. At that time I was having an affair with my brother’s girlfriend and she was harboring romantic feelings for her best friend’s boyfriend. Quite aware of the predicament we placed ourselves in, we found ourselves confiding on the pains of unrequited love and guilt of betrayal. Before we knew it, we were falling in love with one another.
Like all the first days of shooting a film, everybody was excited. There were expectations and uncertainties of how the film would come about. So were we. The truth is, I did not know what to expect of us. I was pretty positive I was not ready to let go of my previous affair and so was she. But like a low budgeted film, we could not afford to be fussy. We learned to compromise, we needed each other. We even perfected our act. To everybody we were a good match. But like in most love team, the façade fades and you find yourself genuinely in love with one another.
It was an invigorating experience, to be stripped off of pretenses and be truly in love. Of course there were the ups and downs as one could be expected but we rose above it all. When my sister told me we will not last for a year, we proved her wrong. To prove it, we moved together a short time after.
Just when everything was going great with us, my mother dropped a bombshell. I was set to leave for the States in a matter of days. By then I was already living with her for a year and a half. I should be happy, I know, that was an opportunity of a lifetime. I will get to make something of myself that I don’t think I could do if I stayed. So I left with a huge block in my shoulder, leaving her in tears with a promise that everything will be okay.
A wise director would know that in editing a film, he should be present to ensure good come-out. Honesty and communication is vital when you’re tying to get a feedback on your colleagues. With lack of proper direction, the film will not turn out good. In my case, I cheated on her & left her hanging with my broken promise. I left her to edit our love story. I got edited in the process, me and my infidelity. We still talk every once so often but I know I can never mend the trust that I have broken. I’ll forever be regretful that I have let go of the one person that truly mattered the most to me.
############### The author is still very much in love with her but have no wish at the moment to persuade her to give it another shot for the fear that he might hurt her again. They’re now best of friends, believe it or not, thanks to her understanding and forgiveness.
pinaglalaban nyo na ba ang karapatan nyo??? ayyyyy naku dapat talaga ipaglaban na ang ating mga karapatan bilang isang estudyante noh? tulad sa ating pamasahe kelangan may 20% discount kayo pag nagbabayad wag nyong hayaang itutulad kayo sa mga ordinary passenger kung 5.50 ang minimum ng pamasahe dapat 4.50 lang ibayad nyo, pag snita kayo sabihin nyo estudyante kayo upang maintindihan kayo.......,. kung maangas naman na driver ang masasakyan nyo ipamuka nyo sa kanila ang papel na inilalagay nila sa kani kanilang mga sasakyan... may nasakyan nga ako nag bayad ako ng 4.50 sabi saken kulang pa daw ako ng piso... Teka sabi ko "Estudyante lang pow ako at may 20% discount kame"nagalit yung driver sabi saken kung sasakay daw ulit ako sa jeep isuot ko daw ang I.D. kd.. bakit ko isusuot eh wala naman ako sa eskwelahan noh? ano ka highschool para isuot lage... kaya pag kayo nasakay na wala sa hulog ang driver ipahiya nyo mga repapeeps, estudyante tayo nagpapakahirap ang ating mga magulang para paaralin tyo at bigyan tayo ng arw na araw na pamasahe tapos dudugasin lang ng mga driver na gahaman.... dko naman pinapatamaan laghat ng driver, dirin naman naten masisisi sila kung ganun na lang ang pag ka gahaman nila, kac bumubuhay sila ng pamilya pero teka wala ba silang pinapaaral na mga anak bat di nila intindihin ang mga kalagayan naten... kayat hanngang maaga pa ipaglaban na naten ang ating mga karapatan wag kayong mahihiya at for sure kung maraming pasaherong matatanda tutulungan pa kayo nun.., meron namang ding di gahaman na mga driver ung nakakaintindi ung makita lang na nakapolo ka aba'y di na kayo queqeustionin nun.... okey ..... kaya mabuhay tayong mga estudyante.... tayoy magtapos upang makatulong tyo sa sanlibutan at alamin lahat lahat ng karapatan upang umunlad kayo... heheheheh
Message: A Conversation with Jasper and his Mom
Mom said, “I miss you son”
Jasper said, “My work on earth is done”
Mom said, “What about those left behind”
Jasper said, “Nothing has changed, I’ll always
be your son”
Mom said, “How can I go on”
Jasper said, “You’ll do just fine,
God promised before he took me
home”
Mom said, “You didn’t live a full life”
Jasper said, “I lived more than most”
Mom said, “I miss your laughter”
Jasper said, “My laughter is still around, just
listen to Baby Jasper”
Mom said, “I feel I let you down”
Jasper said, “Did you ever see me frown”
Mom said, “You were much too young to die”
Jasper said, “Mom, it was my time”
Mom said, “I wasn’t by your side”
Jasper said, “You were with me the entire time”
Mom said, “I can’t seem to forgive”
Jasper said, “I certainly did”
Mom said, “I can’t feel your sweet breath on
me”
Jasper said, “Yes, you can, just feel the cool
breeze”
Mom said, “I didn’t get to say good bye”
Jasper said, “There wasn’t a reason why”
Mom said, “When will I see you again”
Jasper said, “Don’t be in such a hurry, your
time hasn’t yet come”
Mom said, “But why you”
Jasper said, “God will tell you soon”
Mom said, “Are you happy son”
Jasper said, “More than I ever was on earth”
Mom said, “My heart is torn in pieces”
Jasper said, “Greg is there to help you put it
back together”
Mom said, “I’ll never be the same”
Jasper said, “You're much stronger today”
Mom said, “I didn’t want to learn this way”
Jasper said, “God works in his own mysterious
ways”
Mom said, “Were you born, just to be taken
away”
Jasper said, “Mom, you can’t look at it that way”
Mom said, “What is my purpose on earth”
Jasper said, “You fulfilled one, you gave me
birth”
Mom said, “Will you be all right until I see you
again”
Jasper said, “Just think of me, I’ll always be
there”
eto ang aming paaralan d2.. im very proud kc d2 ako nagaaral, tingnan nyo naman very historical ang view, sabi nila d2 raw kinulong ang mga pilipino sa mga WALL.. kaso malayo lalakarin mo pag papasok ka kung dun ka pa maggagaling sa park n ride noh? pero aus lang din ang lalakaran mo naman ang ibat ibang bansa..heheheheh. makikita mo ang letran parang pang chinese.heheheh... makikita mo ang ibat ibang klaseng mga nipa hut. alam nyo ba sa lyceum ang merong mga titser na malulupet at siguradong matututo ka dahil inaalalayan ang bawat estudyante sa kani kanilang pag-aaral dahil sila ang tumatayong pangalawang magulang naten, medyo may kamahalan nga lang ang tuition fee pero sulit naman dahil sa mahuhusay na ang mga titser comportable ka pang mag-aral dahil centralized ang mga klassroom ultimo banyo aircon san kapa makakakita nun (joke).. meron narin po kameng elavator upang di mapagod ang mga estudyante pag umaakyat at bumababa, Ang TARAY noh? marami ka ring magiging mga kaibigan d2 hindi lang sa LYCEUM pati narin sa MAPUA, LETRAN, PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MAYNILA at mrami pang iba, di ka pa mahihirapang maghanap ng kainan dahil napapalibutan ng restaurant at mga fastfood ang aming skwelahan, marami pang tambayan pero im not forcing you to tambay everyday ang ibig kong sabihin pag vacant nyo at kung birthday nyo cguradong marami kayong pagpipiliang PLAce. nandyan ang WOW philippines, Beer Garden, Asian Garden, Jerus, at kung gusto nyo sa PRESIDE at beter pa..hahahahhah back to the lyceum! magaganda ang aming fascilities d2 canteen ang pinakamasarap tumambay dahil may TELEVISION.heheh.. pano wala na akong masabi talaga eh... lahat na ng magaganda nasabi ko na ay eto pa pala kame ang mayrong pinakamagandang gym sa buong intramurous noh, pang ibang bansa ang aming gym open pa lahat kahit maglaro ka ng maglaro walang pakealamanan noh? pano contackin nyo na lang ako kung gusto nyong magaral o kaya visit nyo na lang ang aming website Www.lyceum of the philippines.com
Minsan, nagtext ako ng isang quote sa bespren kong babae: anG uLan, bmBuhos, hnDa k mn o hNdi. pr0 s 2wNg ppAtak 2, mAy 1 ta0ng hndAng mBaSa ksma m0..kHit sipUnin ty0..bSta pRa sy0..hEhe! Nagreply siya gabi of that day: Wat f dumating yung ulan handa ka man mbsa para sa kanya ngunit may mas handng mbsa pra sa kanya at dala ang isang payong para lng sa kanya..(smiley)
Napaisip ako sa sinabi niya. May laman. Alam kong hindi literal ang ibig niyang sabihin. It is like saying, "What if someone is better than you comes to me and offered me something you don't have." Grabe. Totoo nga ang sinabi sa Lord of the Rings: "Words hit like arrows." Bakit n'ya itinext sa akin 'yon? Hindi ako naniniwalang naisip n'ya lang itext yon, for no reason at all.
May mangilan-ilang beses nang lumalabas kami na wala akong dalang payong. Umuulan o uulan pa lang. Papayungan ko siya gamit ang payong niya. Hindi pa nagyayaring may dala akong payong na gagamitin ko para payungan siya. What if mayroong ngang isang taong mas lamang sa akin ang magdala ng payong para lang sa kanya? Hindi ko pa siya natatanong tungkol dun. Hindi ko kasi alam kung big deal ba yun o hindi. Sa akin big deal. 'Di ko talaga alam kung may nais ba siyang iparating sa akin.
Dahil dito, napatunayan ko sa sarili ko na takot talaga akong "mawala siya" sa akin. Oo, friend ko siya, ngunit hindi ko siya matiis na mawala. Lubos akong naapektuhan sa sinabi niyang yun. Paano kung mayroon ngang dumating na mas ok kaysa sa akin. Marahil ay uuwi na lang akong luhaan, duguuan. Mapait na pagtanggap ng pagkatalo. Ikinakatakot kong mangyari yon. Ayoko siyang mawala sa aking paningin. Ayokong dumating ang panahon na hindi ko na siya maaaring yayaing kumain sa labas, kausapin sa phone, samahan sa paglalakad, at makasama sa oras ng kailangan ko ng kasama. Baka bigla na lang maputol ang pagiging mag-buddy namin. Natatakot ako sa mga maaaring mangyari. Alam ko mangyayari ulit ang dati ko pang nararanasang sakit. Sa pagkakataong ito, alam kong madudurog ng husto ang aking puso. Ayoko siyang mawala sa akin. Ni ang sabihing itong mga salitang ito ay natatakot akong sambitin iyon habang siya'y nakikinig, sa kadahilanang ayokong makagawa ng isa na namang pagkakamali na magwawakas sa maganda naming samahan.
Dahil sa text na iyon, bigla akong nagigising sa katotohanang hindi lang dahil close friend ko siya kaya ako concern at mabaet sa kanya. Ngayon, masasabi kong may pagmamahal na akong nararamdaman sa kanya. Pagmamahal na hindi masambit dahil sa takot na ito ang tatapos sa lahat. Hindi ko siya girlfriend. Ngunit may mga bagay akong nasasabi't nagagawa sa kanya nagbibigay reflections sa tunay na nilalaman ng puso ko. Ayokong dumating ang panahon makuha siya ng iba dahil sa katangahan ko. Ayokong magsisi sa huli. I will run the race. I will run it for her. I will run it to have her. Ayokong magsisi sa huli. Sana hindi pa huli ang lahat. Gagawin ko ang lahat para huwag siyang mawala sa akin. Sana hindi rin ako sobrang maaga para gawin ang mga bagay na ito. I hope it's not too late or too early for me to do so. I hope I am in the right timing and season to do this.
bestfiends..............
its been 4 months since i saw him and talagang
namimiss ko na siya... pero what can i do? it
seems that i have loved the wrong person.... but
still the pain keeps on hurting me and kung
walang magbibigay ng gamot para dito sa
nararamdaman ko.... baka mamatay na ako....
to give you a background about my life, everthing
seems to be fine except dun sa time na dumating
na sa buhay ko yung hinayupak na lalake na
yon.... hehehehe.... kung curious kayo about dun
sa guy... bestfriend ko po yon kaso lang iba na
ang nangyari as time passes by.....
classmate ko sya nung highschool. pards pa nga
ang tawagan namen.... o db ang sweet? di na ako
iba sa kanya and ganon na ren sya sa aken....
kung di nga lang ako naging babae baka naiuwi na
ako nun sa bahay nila and baka lahat ng gawaing
pang brusko eh ipagawa na nun sa ken eh..... pero
cyempre mukha pa ren naman akong babae noh!!
highskul cyempre may prom.... wala cyang date,
wla ren ako.... i know that he wanted to invite
me to be his date pero ang ogag nga kasi nun kaya
the last minute tsaka lang sya nag-ask. he went
to our house... nakamotor po sya and medyo
pawisan pero infairness.... mabango pa ren....
he ask my permission to see my dress for the
prom.... cyempre para maloka sya sa aken at may
konting surprise... i refuse.... o sige, medyo na
frustrate sya pero hindi yon naging hadlang para
invite nya ko.... sa ganda ko na to..... cyempre
ang dami munang pa-echeng.... hanggang sa
tanungin nya ako kung may date na ba me.... e
kung di ba naman siya abnormal eh.... papayag ba
akong makipagdate sa iba eh sya lang ang gusto
ko.... lam mo yon... sarap sampalin.... so in
short, papilit pa ba ako? syempre.....
the night of my life came, i was so pretty sabi
ng nang-uuto kong nanay... pero naniwala lang ako
nang sya na ang nagsabi.... blush ako ever....
kahit alam kong maganda ako since birth(hehehehe)
iba pa ren yung sa kanya galing diba?
we enjoyed that night and lalo ko lang
napatunayan sa sarili ko na mahal ko na pala ang
hinayupak na bestfrend ko......
syempre ano pa ba ang sunod na event sa prom
kundi ang graduation na db? the night before the
graduation, we talked on the phone na para bang
it would be the last time na maririnig namen ang
boses ng isat-isa..... ive waited for the moment
na mabanggit nya na may feelings din sya and
hindi naman ako nagkamali.... tinanong nya ako
kung may possibilty daw na maging kame.... i know
na maiinis kayo sa ken dahil alam nyo ba ang
sagot ko?
ah, eh.... hindi pwede kase bestfrends
tayo eh.... yung mga anak na lang naten yung ipag-partner naten.... sa isip-isip ko.... ang tanga!
pano ko nasabi ang ganong words? pero wala na
akong magagawa..... alam namang bawiin ko pa eh
di nahuli naman ako db? pe ro ang tanga ko
talga....
cyempre college na.... im so proud to say na
napunta naman ako sa magandang school and take
note... pareho kame ng skul..... ano to?
kailangan bang ituloy ang naudlot na pagmamahalan
namen?.... hehehe....
nagkaboyfriend ako for a year and a half....
minahal ko sya pero there are these conflicts and
problems na di na kayang ayusin.... in short....
nagbreak kame.....
i guess god meant that to happen kasi yon din
yung time na nagkita kame ng bestfrend ko..... sa
sobrang miss namen ang isa't-isa.... sabay na
kameng umuwi, kumain, pumasok..... im happy pero
parang lalo ko lang pinahirapan ang sarili ko
dahil my feelings for that guy grows each and
everytime that we are together... buti na lang
magaling akong magtago at magpigil.... hehehe....
bilib kayo noh?.....
one morning, im so busy preparing my project that
would be pass on that same day.... alam kong
dumati ng na sya at nasa likuran ko na ang mokong
pero dahil sobrang pressure sa project.... gusto
ko man syang dambahan... cyempre mamayang gabi na
lang di ba? hehehe.... di ko sya masyadong
napansin.....
may inabot syang sulat sa aken and he asked if i
could join him sa lunch.... i said yes.... then,
alis na cya.... alam naman kc nyang im busy.....
when i was about to enter the room, somebody
bumped me and my precious project fell... gusto
ko mang magalet... what can i do db? instead i
ask my prof to give me another chance to do my
project.... naalala ko si mokong.... the lunch
date.... kinuha ko ang cell ko to text him that i
cant come to our meeting.... e kaso.... pag
tinamaan k nga naman ng malas.... check operator
service daw.... i tried to look for friends or
other kakilala pero malas that day talaga....
and so i took my lunch all by my self.... naalala
ko yung letter.... hinanap ko sa bag... WALA !!!!
bumalik me sa corridor praying na andon pa yung
sulat.... wala ren.... god! why? minsan lang
magbigay ng sulat yon.... nawala pa.... dont know
how to tell him about the letter....
and so days and weeks passed, pag nagkikita
kame... di nya ako pinapansin... ako, i tried to
talk to him pero alam kong may kasalanan ako pero
ganon ba kalaki ang nagawa kong di pagpunta at
ganon na lang ang iwas nya?... sige... hinayaan
ko na lang....
months na ang binilang... i heard that he was
dating a girl from the same school that we are
in... masakit.... na sa iba ko pa narinig na sila
na.... mas masakit na wala na akong halaga sa
kanya.....
basta... ilang araw din yon na ganon ang
nararamdaman ko.... weeks.... months....
gagraduate na po ako.... i wonder what's instore
for me in my last day in school.... and so i
thought na puntahan yung favorite hang out
namen.... when i was about to get near the
place.... i saw him... with the girl.... umiiyak
ang bruha but i cant hear what they are talking
about.... so ive decided to get out of that place
before my tears burst out.... and then a common
frend ang sumalubong sa aken.... saying na buntis
ang girl.... syempre.... durog na durog ang puso
ko.... kung kaya nyo lang ma-imagine yung
naramdaman ko.....
the night of that same day.... naloka ang lola
nyo.... nagparamdam ang mokong pagkaraan ng
pagkatagal-tagal na panahon... i thought it was
something good for me... for us.... pero i was
wrong.... so wrong..... he gave me a wedding
invitation and isa ako sa bridesmaids..... the
girl... she was waiting in the car.... o db? dati
motor lang ngaun... car na....
and so the wedding came.... maganda po ako
nun.... sabi ng nanay ko pero wala ng nagsecond
the motion eh.... so naniwala na lang ako sa
nanay ko.... then, there was this professor who
c ame to see me.... he handed over a letter with
my name carefully printed on the enveloped.... he
said that he looked for the owner of that letter
kaso lang po malaki po ang skul namin kaya
mahirap magkahanapan db? and so nung nakita nya
ang name ko sa invitation, he decided to bring
the letter thinking that it could save souls...
daw....
and so i was about to open the letter when the
priest ask kung sino daw ang tututol... dedma
ako.... alam namang manggulo pa ko noh....
binasa ko na ang letter..... nakakatouch po
talaga.... he opened up his feelings for me....
hoping na meron din daw akong feelings for
him.... he ask that if i will show up to our hang-
out the next day after he gave his letter, then
it means that i also have feelings for him and
that he would love me for the rest of our
lives.... but if i wont.... then he will never
open that topic again.... he pleaded to me na
sana pumunta ako... ...
if only i have that letter.... if only i knew
about it.... kung di lang ako clumsy and carelss
to keep that letter... things would be
diffrent.... if only.....
and so i heard the priest announced the couple as
husband and wife.... ang sakit......
picture taking..... gusto mang sumabog ng
nararamdaman ko.... as you know.... magaling
akong magpigil.... pero masakit po talaga....
sobra......
after the picture taking...... niyakap ako ng
bestfrend ko.... ang higpit.... and teary eyed
nyang cnabi na....
i still love you.......
minsan badtrip magmahal...
iwasan mo, ikaw din masasaktan...
sundan mo,ikaw din iiyak...
bigay mo lahat kulang pa rin...
nagpakatanga ka na,gagaguhin ka pa...
minsan hintay ka nang hintay,di mo
alam...iniwan
ka
na pala.
minsan na akong nagmahal...
minsan na akong nasaktan...
minsan na rin nagpakatanga dahil
minsan 'minahal
kita'.
hahayaan ko pa bang maulit?
bakit hindi?
eh,minsan lang akong naging masaya nang
mahalin
kita...
di ba masakit pag iniwan ka?
di ba masakit pag niloko ka?
di ba masakit pag pinaasa ka?
pero di ba mas masakit pag pinaniwala ka na
mahal
ka nya,
kahit may mahal na sya iba...
nagmahal ka na ba?
pero inakala mong mali kaya tinago mo na
lang?
nasaktan ka na dahil alam mong mahal mo sya
pero di
mo maipakita?
nasubukan mo na bang magsisi na dapat sana
ay sayo sya kung ipinadama mo lang sana...
takot ako mawala ka...di ko alam kung bakit?
di sa hindi ako mabubuhay nang wala ka...kundi
takot akong
dumating ung panahon na mahal pa rin
kita...kahit
wala ka na...
pag nawala ako, siguro di un kawalan syo...
di un makakaepekto sayo, pero gusto ko lang
malaman
mo, hapi
ako...bakit?
kasi kahit minsan sa buhay ko, nakilala ko ung
sang katulad mo...
magmahal? marunong ako nun!
ung tipo bang tanga ka na, sige pa rin kasi
mahal
mo siyang talaga...
pero sa bandang huli... itatanong mo...
tanga ba talaga ako? o mahal ko lang talaga
siya...
mahirap makipaglaban sa bagay na alam mong
talo
ka...
wala kang magagawa kundi hayaan mo na lang
tumahimik hanggang ilayo
niya
siya sayo ang taong pinakamamahal mo, dun
mo
maiisip na sana pinaglaban
ko
siya...
minsan natuto kang magmahal...
minsan naranasan mong masaktan...
minsan natuto kang umasa...
kasi minsan minahal mo siya ng lubusan...