Website ko
hindi naman agad naiinlove ang sanggol eh



Aug 18, 2004
Ninong!

FIRST TIME MAGING NINONG.....


Well naging ninong nga pala ako nung sunday August 15, 2004, imagine? first time kong naging ninong.heheheh ang pangalan ng inaanak ko ay Sophia Marie ganda noh? mukang tuloy tuloy na ako sa mga magagandang inaanak.heheh. nagbigay din naman ako ng regalo ika nga PAKIMKIM! dko na sasabihin sa inyo ang kung magkano no? shit(!!#$%&^&*) nasabi ko rin pala tama pera lang binigay ko, nakakahiya man pero kahit na atleast may PAKIMKIM kac si Gian (tatay ni Sophia). biglaan ung pagkasabi sinabi lang nya noong mga panahong kinakapos ako sa pera August 13 2004, nya sinabi na ninong daw kame, pero excited na ako nun kac hindi ko pa talaga nararanasan na maging ninong kinakabahan nga ako. heheheh... dun nga sa simbahan akala ko mag iispeech pa ung mga ninong at magsasabi ng WORD OF WISDOM sa inaanak.. para ngang dumidilim na ung paningin ko ung papalapit na ung PADRE..... sobrang kaba na talaga... tapos un pala sisindihan lang pala namin ang kandila na may laso na kulay ASUL. then titingnan namen ung bata upang maging saksi na gawin ng tunay na KRISTYANO.heheh.. tapos aion kainan na then toma toma na.. 3 case na redhorse at kalahating SAN MIGLIGHT! sinabi pa talaga noh??hehhe! na badtrip lang ako sa isa kong kong kaklase na binibiro ko lang then bigla na lang nagali hindi naman sya lasing kame lang naman.. hehehe.. bayaan mo na un... cge...PAALAM..

Posted at 07:57 pm by ching
Make a comment  

Aug 12, 2004
magkaibang mga ngiti!

“What we had was perfect, what we had was true. I loved you completely and so did you. But what we had was over; it’s all in the past. I guess, we just had to accept that good things never last…”


“Ingatan mo ang sarili mo, ha” sabi mo. At iyon ang mga huling salitang narinig ko mula sa 'yo.

“Oo, salamat.” ang mga huling salita na binigkas ko sa harapan mo at isinunod ko ang isang ngiti. Isang pilit at mapait na ngiti. Tumalikod na ako at iniwan kang tahimik na nakamasid sa dahan-dahan kong pag-alis.
Matagal na tayo, matagal na tayong magkaibigan. Hindi ko na matandaaan kung kailan pa iyon nag-umpisa. Kapwa na lamang nating nagisnan na magkaibigan na tayo. Parang magkapatid. Sa haba ng panahong iyon, marami na tayong napagdaanan. Walang inilihim sa isa’t isa kahit na kailan. Halos lahat ng mahahalagang okasyon sa buhay ko, lagi kang nariyan. Napakaganda ng samahan natin, walang kawangis.
Dumaan ang mga araw, buwan at taon. Malaki na tayong dalawa, ngunit hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo natin sa isa’t isa. Pinatibay na siguro ito ng panahon. Sa hindi inaasahang pagkakataon, dumating ang panahong hindi na tayo masyadong nakakapag-usap. Padalang ng padalang hanggang sa tuluyan na itong nawala. Pero hindi mawawala ang isang taong tulad mo sa aking puso, nanatili ka rito. Umabot ito ng mahigit isang taon. Isang mahabang taon. Marahil ay dala ito ng ating pagtanda. Naging abala tayo sa sari-sarili nating buhay, ang buhay kolehiyo.

At dumating ang pinakahihintay na sandali, ang pagkikita nating dalawa. Napakasaya, nakakalunod sa saya. Naparami nang nagbago sa’yo – sa iyong mukha, sa iyong pananamit. Napakakisig mo na. Binata ka na nga. At hindi rin magkamaway ang pagbati mo sa mga pagbabagong naganap sa akin – sa aking kilos at pananalita. Hindi mo na ako kinakitaan ni bahid ng kamusmusan, sabi mo. Iniwan ko na ang pagigig neneng. Ang saya! At sa wakas ay nadugtungang muli ang natulog nating pagkakaibigan…

Isang pangyayari na naman ang dumating sa buhay nating dalawa. “Mahal kita. Matagal na.” ang halos pabulong na mga salitang binigkas mo na nagpabago sa ating mundo. Napatulala ako, nabigla. Pero natuwa ako at napangiti. Isang tunay at matamis na ngiti. Gusto mong umalis n’on, akala mo, hindi ako naniniwala sa’yo at pinagtatawanan kita. Pinigilan kita sa pamamagitan ng paghawak sa iyong braso at sabay sabi ng “’Wag kang umalis. Gusto kita dito. Mahal din kita.” Napatigil ka sa iyong paghakbang. Nilingon mo ako at siniguradong sa akin galing ang mga salitang iyon…

Lagi tayong nagkikita mula noon, ngunit iba na ang pakikitungo natin sa isa’t isa. Mas malalim. Alam na ng lahat ang pagbabago sa ating dalawa. Masaya din sila para sa atin. Walang hadlang. Wala…

Isang buwan na tayo sa ating bagong mundo. “Kelan pa?” tanong ko sa iyo. “Ang alin?” ang malambing mong tanong. “Kelan mo pa naramdaman na mahal mo ‘ko? Gaano na katagal?” ang sabi ko sa iyo. Humarap ka sa akin, ngumiti. “Matagal na, matagal na matagal na. Highschool pa." Nanlaki ang mga mata ko. “Noon pa!?! Bakit…” “Hindi mo lang alam kung gaano na ako katagal nag-iipon ng lakas ng loob para lang masabi ko ‘yon sa’yo. Naihanda ko na rin ang sarili ko sa pagtanggi mo, baka kasi ayaw mo, baka kasi hanggang kaibigan lang talaga ako. Ikaw, kailan pa?” ang sabi mo. Ngumiti ako. Ibinalot ko ang aking mga braso sa iyong baywang at hindi na muling nagsalita. Gusto ko sanang sabihin na “Matagal na rin. Baka nga sabay pa tayo e.” pero hindi ko na ito sinabi, tama nang malaman mo na mahal kita.

Nadagdagan pa ang mga araw. Lagi tayong lumalabas. Lagi tayong magkasama. Lagi-lagi. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Oo, paulit-ulit. At dumating ang puntong nagsasawa na ako, pero pinili kong huwag itong ipaalam sa’yo. Sabi ko sa sarili ko, lilipas din ito. Hindi naman ako binigo sa bagay na ito, nalabanan ko ang pagkasawa. Bumalik ang dati kong sigla. Ang akala ko’y hindi mo ito napansin, mali pala ako…

Minsan, hindi maiwasan ang mga simpleng away. Mga away na nadadaan sa konting lambing ngunit hindi tunay na nasosolusyunan. Hanggang sa ang mga ito ay lumala, hindi na natin malaman kung saan ito nagmula, kung ano ang puno nito. Dumaragdag ang sakit sa bawat araw nating pag-aaway. Padagdag ng padagdag, pabigat ng pabigat. Nahihirapan na ako. Hindi ko ito sinabi sa’yo dahil ayaw ko mawala ka. Halos buong buhay ko, kasama na kita. Pero hindi ko na talaga kaya. Mga maliliit at walang kwentang mga bagay na ang pinagtatalunan natin. Hindi ko na matiis, sinabi ko na ito sa’yo. “Mag-usap nga tayo!” ang matigas kong sabi sa’yo. Pinipigil ko ang aking mga luha sa pagpatak. Ayaw kong makita mo ang mga ito. Nilingon mo lamang ako. Walang bahid ng emosyon ang mukha mo. “Ano bang gusto mong mangyari? Gusto mo pa ba ituloy ‘to?” ang tanong ko. Humarap ka at malumanay na sinabing “Ikaw, ano bang gusto mo?” “Ano ba kasing problema natin? Hindi ko maintindihan. Tinatanong kita kung gusto mo pa? Nahihirapan na kasi ako. Sabi mo dati hindi mo ‘ko pahihirapan di ba?” at isinumbat ko sa iyong lahat ang mga bagay na sa tingin kong pagkukulang mo. Inilabas kong lahat ang sama ng loob, ang bigat sa aking dibdib. Pinipigil ko pa rin ang mga luha ko, sa kadahilanang ayaw kong makaramdam ka ng awa. Hindi ko inisip ang damdamin mo.

Sa kaunting liwanag sa silid na nagmula sa sinag ng buwan, nakita kong kumislap ang iyong mga mata. Nangilid ang mga ito sa luha. Hindi pa rin ako natinag sa aking pagmamatigas. “Pwede bang mag-isip muna ako?” ang mahina mong tanong. Hindi ako pumayag. “’Wag na lang kaya…” ang halos pabulong mong tugon. Tumigil bigla ang mundo ko. Masakit, kahit inihanda ko na ang sarili ko sa sagot mong iyon. Hindi pa rin tumulo ang luha ko. “Lagi na kasi kitang nasasaktan. Ako na lang lagi ang dahilan ng pag-iyak mo.” ang pagpapatuloy mo. Sinagot kita, “Kung talagang mahal mo pa ako, hindi mo ako sasaktan!” “Hindi ko naman sinabi na hindi na kita mahal.” Ang pagtatanggol mo sa iyong sarili. “Mahal na mahal nga kita eh! Ang hindi ko lang matanggap ay parang walang kwenta sa’yo ang lahat ng ginagawa ko para sa relasyon natin. Pakiramdam ko, wala akong kwentang tao!” ang dugtong mo pa. Napatigil ako. Masakit dahil totoo. Tumalikod ako sa’yo. Nangilid na rin sa luha ang aking mga mata. “Nagbago ka na kasi. Nasaan na ang dating ikaw?” ang tanong ko sa iyo. Mahina ang iyong tugon, “Hindi ko alam, hindi ko talaga alam…” Huminga ako ng malalim, humarap sa iyo at lakas loob na sinabing “Wala na nga sigurong patutunguhan ang relasyong ito. Marahil, hindi tayo para sa isa’t isa. Salamat sa lahat.” “Ingatan mo ang sarili mo, ha” sabi mo. At iyon ang mga huling salitang narinig ko mula sa’yo. “Oo, salamat.” ang mga huling salita na binigkas ko sa harapan mo at isinunod ko ang isang ngiti. Isang pilit at mapait na ngiti. Tumalikod na ako at iniwan kang tahimik na nakamasid sa dahan-dahan kong pag-alis. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking mga luha, at binagtas ang daang nasa aking harapan…

Matapos ang isang buwan, isang mahabang buwan. Dumating ang iyong Mama sa aming bahay. “Iha, pwede ka bang sumama sa akin? Puntahan mo naman siya. Kahapon ka pa niya hinahanap.” ang pakiusap ng iyong Mama. Tatanggi sana ako dahil hindi pa kita kayang harapin, ngunit hinawakan niya ang aking kamay. Nakita kong tumulo ang kanyang mga luha.

Pagdating sa bahay ninyo, tumulo na lamang ang luha ko… Ang bigat. Hindi ko kaya. Sa harap ng salamin, pilit na pinipintahan ko ang aking mukha ng ngiti. Isang pilit at mapait na ngiti.
Pagkatapos ang iyong libing, ipinaliwanag sa akin ng iyong Mama na matagal mo nang alam na may sakit ka at may taning na ang iyong buhay. Pinili mo na hindi ito sabihin sa akin. Ayaw mo raw na kaawaan kita. Ang gusto mo raw ay tunay na pagmamahal. Ginawa mo raw ang lahat para maging masaya ako, tayong dalawa bago mo tuluyang lisanin ang mundong ito. Pero binigo kita. Ako pa na matalik mong kaibigan at kaisa-isang babaeng minahal mo ang nagbigay sa iyo ng hapdi at sakit sa huling mga sandali ng iyong buhay. Hindi man lang ako nakahingi sa iyo ng tawad sa mga panunumbat na ginawa ko. Alam ko namang may kasalanan din ako. Ang laking pagkakamali na iniwan kita. Mahal naman kita talaga, hanggang sa mga sandaling ito. Totoong pagmamahal. Pangako, iingatan ko ang sarili ko. Iyon na ang pinakamabuti kong magagawa para sa iyo…



############################
from merlie

Posted at 10:12 pm by ching
Make a comment  

Aug 11, 2004
nggggeeeeee

Nag-“I love you” sayo ang taong di mo naman gusto! Ano ang gagawin mo?!?


Message: GUYS SAY:

1. Hahaha…that’s so funny…tell me another joke.
2. Aaah…ano?! (tulala)
3. Hindi tayo talo!
4. Sori ha! Mas mahal ko PC ko eh!
5. Mars, lalaki rin gusto ko.
6. Waah…bakit mo ginagawa ‘to sa kin?
7. Ah, ganun?
8. It’s not you…it’s me. I’m sorry.
9. Libre muna!
10. Thank you Lord, may nagmahal na sa ‘kin.
11. Sorry, may sis akong mahal eh.
12. I’ll try to fit you in my schedule…
13. Stay away from me Satan!
14. Gandang hirit ah!
15. Diyos ko!!! Tao lang ako! Di kita matitiis!
16. O tukso… layuan mo ako…
17. Bakit ganun ang buhay? Mahal mo ko, mahal
ko siya, mahal nya iba…
18. AKO? OK KA LANG?
19. No Space for New Girlfriends
20. Alam mo dati, in-love na in-love ako sayo…
21. Maganda ka sana kaso…
22. Ahh...ehhhh...EWAN KO SA MUKHA MO?!?


GIRLS SAY:

1. Okay! Fine! Whatever!
2. Pare, mahal ko si Maria eh.
3. Ah, ok! BYE!!!
4. Yuck! Duh?!!
5. …no nga ung assignment natin?
6. Pwede ba?! Wag ako pag-practisan mo!
7. Well, the feeling is mutual. I LOVE ME TOO!
8. AYOKO SAYO!
9. Can you keep a secret? Crush ko bestfriend mo eh.
10. So ano yung punchline?
11. Mukha mo…
12. Pagawa muna ng project
13. So???
14. Kahit sabihin kong may chest hair ako?
15. Alam ko na yan!!!
16. Ayos, may aalipustahin na naman ako
17. I LOVE YOU?! I LOVE YOU?! Kaya walang nangyayri sa buhay mo eh…puro ka na lang love… Hunghang!
18. Ganyan ka na lang lagi ah…para kunin ka na ni Lord.
19. Look oh! Yung mga flies dumadapo sa sugat
ko…cute noh?1?
20. Insured ka na ba?
21. Bro, isipin mo na lang ang mga magulang mo na nagpapakagirap para mapag-aral ka.
22. Tol, paying kaibigan lang ha, pero walang papatol sa pick-up line mo eh.
23. Napakabata ko pa para maging kirida mo!
24. (while covering both ears) BLAH! BLAH! BLAH!
25. "wag kang lasheng! steeg!"
26. babatukan sabay sabi ng "gagu! pareho tayong may pepe!"
27. uubo..iirap..tatayo at magwa-walkout
28. PWEDE RIN! <-----jm
29. :) hiniling ko prinsipe eh...nde palaka! next pls mahaba ang pila
30. ei walang tablahan...........i dnt care
31. what do you mean?
32. bakit sa lahat ng babae sa mundo ako pa???
hnd talaga ako luv ni lord. huhuhuhu

###############################
From Merlie

Posted at 01:17 am by ching
Make a comment  

Aug 6, 2004
sana kamuka ko si jerry yen

               Haaayyyyy! hirap talaga kung wala kang itsura noh? hanngang frends na lang ang tingin sayo pero ok na un kesa i etshapwera ka nila! sana kamuka ko na lang si jerry yan ng F4 noh? kahit napakaganda ng lapitan ko kakausapin kagad nila ako at bibigay agad sila ika nga "PAG DUMIGA KA LAGLAG PANTI NILA" un ang gusto kong mangyari kaso ewan ko bakit kasi may panget pa d2 sa mundo pwde namng pantay pantay lang ma pulubi dapat gwapings noh? minsan nga pinagdadasal ko sa ating mahal na panginoon na gumwpo ako ung lalapitan ng babae ika nga "FEMALE MAGNET" diba??? ung ibang guys dyan gus2 rin maging sa pinapangarap ko noh? aminin!!!!! tsaka sa mga babae din diba di pa kayo contented sa face nyo? meron dyang nagfafacial pa, papaderma at kung ano ano ang nilalagay nila sa kutis nila, napanood nyo ba ung commercial ung pampapaputi ung baby maitim pero ung nanay ang itim gumamit lang ng BIOLINK ba un.... eto lang maientry ko ngaun magdadasal pa ako.........heheheheh

********************************
ginwa ko ng wala ako sa mood

Posted at 06:26 pm by ching
Comments (2)  

Aug 5, 2004
torpe

TORPE
By:Monching



Di masamang magkagusto at lalong di masamang magmahal Ng totoo pero bakit pag tayo nagkagusto at nagmahal Ng totoo natotorpe tayo? Ung tipong lage ka na lamang nananahimik sa isang tabi pag parating sya at lage ka na lang naco conscious sa sarili mo at feeling mo napakapanget mo. May pagkakataon ding pag tinitigan ka nya bigla bigla ka na lang yuyuko na parang may ginawa kang mali, unting kilos mo lage ka na lang nag-iisip na kung tama ang gagawin mo o mali, para tayong babae parang “Maria Clara” takot na takot magpakita sa mga lalake.HEHEHEHEHE.nakakatawa talaga ang pinagagawa natin tuwing tuwing nandyan sys. Kelangan pang magpapogi, mag mukang fresh, ung mabango pa impress kung baga. Naghihintay kang sabihin sayo “Ang Yummy mo naman” ay di pala ganto pala “Iba ka ngaun ah?” mapapaYES ka sa ligaya, kakalabog ang iyong puso, lalakas ang kaba.HEHEHEHE. pero hanggang pasalamat ka lang tapos wala na hanggang dun lang. Di mo alam kung pano sisimulan ang conversation mo sa kanya, sa dami dami Ng sasabihin mo ay parang script na di mo inaasahang makakalimutann mo dahil sa pressured mo kala mo ang kausap mo ay ang mga audience na pinapanood ka habang nasa entablado, Kahit di mainit ang panahon at di ka natatae ay pinagpapawisan ka sa sobrang uhmmmm..Torpe. Ung patawa mo sa ibang tropa, kahit corny joke mo di mo na mailabas sa kanya, wala narin ung common sense mo masyado kang seryoso hanggang lumiit ung ulo mo sa kakasalita nya. ANO KA BA PIPI? ORAS NA PARA MAGPAKATOTOO KA NA, HAYAAN MONG MAGUSTUHAN KA NYA SA PAGIGING IKAW MO!!!!! Try to be your self wag kang pa winky winky tulad Ng iba dyan. Alam mo ang tunay na pag-ibig madali lang ang biyahe kaya pag dumaan sayo parahin mo at sumakay ka…. Kasi baka dina bumalik un, cguro babalik pa….. Pero pano kung may sakay Ng iba? Sasabit ka na lang ba? WHAT A QUOTES. HEHEHEHEH..Wag ka Ng totorpe torpe kung ayaw mong maging sabit. Isipin mo na lang na may babae ring torpe na di rin maamin ang tunay nilang nararamdaman. XENXA sa mga natamaan sa ginawa kong eto. Kahit naman ako ay ganito isa ring hamak na TORPE, kaya lang ako sumulat Ng ganito upang mang gising at ipaalam na magpakatotoo lang tayo. Cguro nga ayaw lang nateng makagawa o makapagsalita Ng ikababadshot nila sa aten…..Sa tingin mo????


###############################


By: Ramon Samson "Sino bang hindi matotorpe dyan sa kanyang mahusay at magaling na pagkakahubog ng ating mahal sa diyos"


Posted at 06:47 pm by ching
Comments (3)  

Aug 4, 2004
naiinlove ba agad ang mga baby

      heheheheheh!!!! cguro nga naiinlove narin agad ang mga sanggol... bat di nyo obserbahan ng mabuti ang bata ang kanyang body language.hehehehe... malay naten paglabas ng bata sa sinapupunan ng ina ay nakita nya na agad ang nagpaanak sa kanya tumibok na agad ang kanyang puso.... heheheh.. ano ba itong pinagsasabi kooo... cguro nga par akong bata sa pinagga2wa ko.. nakakalungkot isipin naiinlove talaga ako...SHITTTTTTTTTTT. 

Posted at 09:07 pm by ching
Comments (1)  

Jul 31, 2004
Pag nag ka crush ang mga kikay

PAG NAGKACRUSH ANG MGA KIKAY

“Ang cute niya talaga…”

“Grabe nakita ko siya kanina kumpleto na naman ang araw ko…”
“…
nginitian niya ako shocks! And cute cute talaga niya!”

…ayan, ayan ang kadalasang maririnig mo dun sa mga taong patay na patay sa crush nila. Araw-araw, paulit-ulit na lang na ganyan. Pero ok lang yon kasi normal lang naman kasi iyan. If I know isa ka rin naman dun sa mga taong halos himatayin na makita lang ang crush nila o kaya naman abut-abot ang kaba kapag nakikita mo na siyang paparating. Ganyan ang feeling kapag may crush, tipong para kang angel na lumilipad sa sobrang gaan ng feeling. Saka iba yung pakiramdam na hindi mo maipaliwanag. Kaya kapag ganito ang nararamdaman mo, naku ineng magingat-ingat ka na. Masarap nga ang feeling niyan pero meron din naman iyang side effects, perwisyo din yan sa buhay at sakit sa ulo dahil puyat ang aabutin mo gabi-gabi sa kakaisip at tatadtarin ka pa ng pimples sa mukha. At naku day,kapag lumagapak ka diyan sa kalilipad mo... OUCH!
Pero siyempre, hindi mo na maiisip iyon lalo na kapag nakikita mo na ang pamatay niyang face. Andiyan na yung maiimagine mong knight in shining armor siya at ikaw yung damsel in distress.O kaya naman, maiisip mo na siya si Romeo at ikaw ang kanyang Juliet. Kacorny-han pero talagang nangyayari iyan. Ikaw ba naman yung patay na patay dun sa tao eh, natural magpapapansin ka to the max. Tipong makasalubong mo lang sa campus halos ipagtulakan mo na ang sarili mo sa kanya and take note, nagkakandarapa ka diyan kasi ikaw ang tumutulak sa sarili mo dahil wala ka namang katabi. Andiyan din yung kahit magkadikit lang ang balikat ninyo eh sobrang saya mo na, as in magtatatalon ka na at magtititili kapag ikaw na lang mag-isa. Aba iha, ang haba ng hair mo! Matingnan ka nga lang o kaya makausap eh halos himatayin ka na. Para kang napunta sa ibang dimension na siya lang ang nakikita mo. At ang face take note, parang tinapalan ng sandamukal na blush-on. At hindi lang iyan, kung ano-ano pang pagpapacute ang gagawin mo mapansin ka lang niya, tipong magtatumbling ka na sa buong quadrangle at gagawa ka na ng circus para lang makuha ang atensiyon niya. Andiyan din yung mukha ka nang aso sa kakabuntot sa kanya, kulang na nga lang hanggang bahay nila sundan mo siya eh. May iba naman diyan kung anu-anong kaweirdohan ang pinaggagagawa. Gumawa daw ba naman ng collection ng mga basurang ginamit ng crush nila. Andiyan yung bote ng mineral water na pinaginuman niya, balat ng chichirya na pinagkainan niya, yung tinapon niyang ballpen na walang tinta, at kung anu-ano pang kaek-ekan. Believe it or not may mga weirdo talaga diyan sa tabi-tabi na gumagawa nun. Bato-bato sa langit, ang tinamaan hindi umilag. Meron din naman pasimple pang magtatanong-tanong ng kung ano-anong bagay tungkol kay crush. Full name, nickname, phone at cell phone number, address at kung ano-ano pang chuva diyan. Minsan nga nakasulat pa yan sa notebook eh. Message na lang ang kulang slum book na.
Pero mas madalas, deadma pa rin ni crush ang beauty mo. Tipong kahit magsasasayaw sayaw ka na sa harapan niya,wa effect pa rin...aba! ang sarap kotongan nitong mokong na to ah! pasalamat siya at cute siya. Pero girl bago ka manggigil diyan, just stop and think first, these things are not meant to be taken seriously. Huwag mong masyadong career-in ang pagpapapansin para hindi ka masyadong madisappoint kapag dineadma ka. Kapag forever ka nang super pacute tapos ligwak pa rin ang beauty mo, eh tigilan mo na. Baka abutan ka na ng forever diyan, ikaw rin. Kung happy ending ba o hindi, no one knows. Basta ang moral lesson, kapag dineadma ka pa rin after everything...gayumahin mo na..
Ang haba haba na ng sinulat ko,hindi ko na alam kung pano lalagyan ng ending...

Paano ko ba lalagyan ng ending to?

Ah alam ko na…

The end =)


############################
from merlie

Posted at 06:39 am by ching
Comments (2)  

Jul 27, 2004
YEAHHHH

For my LEADING LADY
by: sidney from peyups.com


I miss her, more than I thought possible. I miss the sound of her soothing voice; the sweet scent of her perfume; her hearty laugh whenever I share a personal funny anecdote even though it’s not humorous for the most part; the curve of her body next to mine; the light she brings whenever she’s around. I miss sitting by the window in her embrace on rainy days or some quiet nights we spend reading a book. I miss our long talks over a cup of coffee in the moonlit night on the rooftop of our apartment. Most of all I miss being loved by her.

She was the leading lady of a class-produced film were I was the director. Actually, she voted me to be the director, for which I became grateful later on because we spent a lot of time together. As we were making the script for the short film, we were making a story for ourselves as well. But of course for a good story to be a success, there has to be some type of conflict or complication. Although it was not easy to build one for our characters it wasn’t at all difficult for us. At that time I was having an affair with my brother’s girlfriend and she was harboring romantic feelings for her best friend’s boyfriend. Quite aware of the predicament we placed ourselves in, we found ourselves confiding on the pains of unrequited love and guilt of betrayal. Before we knew it, we were falling in love with one another.

Like all the first days of shooting a film, everybody was excited. There were expectations and uncertainties of how the film would come about. So were we. The truth is, I did not know what to expect of us. I was pretty positive I was not ready to let go of my previous affair and so was she. But like a low budgeted film, we could not afford to be fussy. We learned to compromise, we needed each other. We even perfected our act. To everybody we were a good match. But like in most love team, the façade fades and you find yourself genuinely in love with one another.

It was an invigorating experience, to be stripped off of pretenses and be truly in love. Of course there were the ups and downs as one could be expected but we rose above it all. When my sister told me we will not last for a year, we proved her wrong. To prove it, we moved together a short time after.

Just when everything was going great with us, my mother dropped a bombshell. I was set to leave for the States in a matter of days. By then I was already living with her for a year and a half. I should be happy, I know, that was an opportunity of a lifetime. I will get to make something of myself that I don’t think I could do if I stayed. So I left with a huge block in my shoulder, leaving her in tears with a promise that everything will be okay.

A wise director would know that in editing a film, he should be present to ensure good come-out. Honesty and communication is vital when you’re tying to get a feedback on your colleagues. With lack of proper direction, the film will not turn out good. In my case, I cheated on her & left her hanging with my broken promise. I left her to edit our love story. I got edited in the process, me and my infidelity. We still talk every once so often but I know I can never mend the trust that I have broken. I’ll forever be regretful that I have let go of the one person that truly mattered the most to me.



###############
The author is still very much in love with her but have no wish at the moment to persuade her to give it another shot for the fear that he might hurt her again. They’re now best of friends, believe it or not, thanks to her understanding and forgiveness.


Posted at 06:25 am by ching
Make a comment  

Jul 22, 2004
FAVORITE MOVIES!!

FAVORITE MOVIES





>

Posted at 05:21 pm by ching
Make a comment  

Jul 20, 2004
Student Faire

               pinaglalaban nyo na ba ang karapatan nyo??? ayyyyy naku dapat talaga ipaglaban na ang ating mga karapatan bilang isang estudyante noh? tulad sa ating pamasahe kelangan may 20% discount kayo pag nagbabayad wag nyong hayaang itutulad kayo sa mga ordinary passenger kung 5.50 ang minimum ng pamasahe dapat 4.50 lang ibayad nyo, pag snita kayo sabihin nyo estudyante kayo upang maintindihan kayo.......,. kung maangas naman na driver ang masasakyan nyo ipamuka nyo sa kanila ang papel na inilalagay nila sa kani kanilang mga sasakyan... may nasakyan  nga ako nag bayad ako ng 4.50 sabi saken kulang pa daw ako ng piso... Teka sabi ko "Estudyante lang pow ako at may 20% discount kame" nagalit yung driver sabi saken kung sasakay daw ulit ako sa jeep isuot ko daw ang I.D. kd.. bakit ko isusuot eh wala naman ako sa eskwelahan noh? ano ka highschool para isuot lage...  kaya pag kayo nasakay na wala sa hulog ang driver ipahiya nyo mga repapeeps, estudyante tayo nagpapakahirap ang ating mga magulang para paaralin tyo at bigyan tayo ng arw na araw na pamasahe tapos dudugasin lang ng mga driver na gahaman.... dko naman pinapatamaan laghat ng driver, dirin naman naten masisisi sila kung ganun na lang ang pag ka gahaman nila, kac bumubuhay sila ng pamilya pero teka wala ba silang pinapaaral na mga anak bat di nila intindihin ang mga kalagayan naten... kayat hanngang maaga pa ipaglaban na naten ang ating mga karapatan wag kayong mahihiya at for sure kung maraming pasaherong matatanda tutulungan pa kayo nun.., meron namang ding di gahaman na mga driver ung nakakaintindi ung makita lang na nakapolo ka aba'y di na kayo queqeustionin nun.... okey .....

kaya mabuhay tayong mga estudyante.... tayoy magtapos upang makatulong tyo sa sanlibutan at alamin lahat lahat ng karapatan upang umunlad kayo... heheheheh







Posted at 08:02 pm by ching
Make a comment  

Next Page
   

<< August 2004 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31


Moods

Links


send4fun
friendster
Faceparty
Myspace
JOkes
PAPAHULA NG LOVE
manilatonight
polls
pinoytonight
Vampiresname
Puso Sa Puso
Ewan
ewan2
Muzik

What Is Your Best Sexual Skill?
Name:
Age:
Sex:
Sexuality:
This fun quiz by lady_wintermoon - Taken 752560 Times.
Get Free Daily Horoscopes from Kwiz.Biz


Daily Horoscope
Horoscope for Pisces
05 Sep 2004
You will have a problem with your boss if you haven't done your job. It might be best not to spend your money on luxuries today. Think before you act.
Kwiz.Biz Daily Horoscopes for your Blog
Azteeeggg na binabasa ko



Twinkledream
shrapnel
Biik
Dolly
Balahura


NAKAKABADTRIP MAGMAHAL


minsan badtrip magmahal... iwasan mo, ikaw din masasaktan... sundan mo,ikaw din iiyak... bigay mo lahat kulang pa rin... nagpakatanga ka na,gagaguhin ka pa... minsan hintay ka nang hintay,di mo alam...iniwan ka na pala.

minsan na akong nagmahal... minsan na akong nasaktan... minsan na rin nagpakatanga dahil minsan 'minahal kita'. hahayaan ko pa bang maulit? bakit hindi? eh,minsan lang akong naging masaya nang mahalin kita...

di ba masakit pag iniwan ka? di ba masakit pag niloko ka? di ba masakit pag pinaasa ka? pero di ba mas masakit pag pinaniwala ka na mahal ka nya, kahit may mahal na sya iba... nagmahal ka na ba? pero inakala mong mali kaya tinago mo na lang? nasaktan ka na dahil alam mong mahal mo sya pero di mo maipakita?

nasubukan mo na bang magsisi na dapat sana ay sayo sya kung ipinadama mo lang sana... takot ako mawala ka...di ko alam kung bakit? di sa hindi ako mabubuhay nang wala ka...kundi takot akong dumating ung panahon na mahal pa rin kita...kahit wala ka na... pag nawala ako, siguro di un kawalan syo... di un makakaepekto sayo, pero gusto ko lang malaman mo, hapi ako...bakit? kasi kahit minsan sa buhay ko, nakilala ko ung sang katulad mo...

magmahal? marunong ako nun! ung tipo bang tanga ka na, sige pa rin kasi mahal mo siyang talaga... pero sa bandang huli... itatanong mo... tanga ba talaga ako? o mahal ko lang talaga siya...

mahirap makipaglaban sa bagay na alam mong talo ka... wala kang magagawa kundi hayaan mo na lang tumahimik hanggang ilayo niya siya sayo ang taong pinakamamahal mo, dun mo maiisip na sana pinaglaban ko siya... minsan natuto kang magmahal... minsan naranasan mong masaktan... minsan natuto kang umasa... kasi minsan minahal mo siya ng lubusan...


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed