MAHIHILIG « Website ko
hindi naman agad naiinlove ang sanggol eh



Aug 19, 2004
MAHIHILIG

BAKIT MAHILIG TUMINGIN ANG LALAKE SA BOOBS AT PWET ng babae

MRT. Bus. Jeep. Mall. Classroom. Office. Bar. Kahit saan ka yata pumunta, makakakita ka ng isa o grupo ng mga lalake na matitigilan at mamamangha sa presence ng isang babae (minsan ex-lalake) na may malaking boobs o magandang hugis ng pwet. May mambabastos, may mapapangiti, may mapapatitig, at ang karamihan ay gagamit ng kanilang "pornographic memory" para magamit pag-uwi sa bahay.

May isa akong nakilalang babae na malaki yung boobs, 36C. Naiinis siya kasi lahat ng kausap niyang lalaki hindi maka-maintain ng eye-to-eye contact. Isa na ako dun sa mga lalaking yon. Dati naman kasama ko yung girlfriend ko. Nag-away kami dahil hindi ko namalayan na nasundan ko pala ng tingin yung isang babaeng mala-Jennifer Lopez ang likod. At nang minsang nakasakay ako sa bus at walang maupuan, hindi ko mapigil lingunin nang lingunin ang cleavage nung isang nakaupo.

Dito ako napatigil at napaisip. Manyak ba ako?

Ano nga ba ang dahilan kung bakit mahilig tumingin ang lalaki sa boobs at pwet ng babae? Tsaka bakit halos lahat ng lalaki, hindi lang ako? Bakit madaming nagpapalaki ng boobs para mapansin lang? Bakit prerequisite ang hugis ng katawan para masabi mong maganda talaga ang isang babae?

Sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong na ito, sinubukan kong mag-search sa Google. Maniwala kayo sa akin, mahirap maghanap ng kasagutan sa tanong na "Why men love looking at big breasts" sa internet. Hindi kasagutan ang ibibigay sa yo kundi mga links sa porn sites. Buti na lang may kakilala ako na nagsabi sa kin na tumingin sa "evolutionary psychology". Evolution as in Darwin, Psychology as in Freud.

Ayon sa mga sites at forums na nagdi-discuss ng evolutionary psychology, iisa lang ang direction ng evolution. Ito ay ang pag-maximize ng chances sa survival. Ang lalaki ay pipili ng babae na makakapag-ensure ng survival ng kanyang offspring, at ang babae naman ay pipili ng lalake na makakapagbigay ng magandang genes.

Hindi na ako nagtataka kung bakit ang mga babae ngayon ay tumitingin agad sa CAR-acter at sa PESO-nality ng lalaki. Ito ay rooted sa mga ninuno natin na ang pinakamagaling na lalaki sa isang tribe ay ang pinakamaraming maiuuwing game mula sa hunting nila. Natural na sa babae ang maghanap ng isang "provider".

Gayun din na ang fixation ng lalaki sa malalaking boobs ay rooted daw sa idea na ang mga ito ay makakapagbigay ng "nourishment and sustenance". Kapag malaki ang boobs, mas malaki ang chances ng survival ng offspring. Ang pagtingin naman sa pwet ay natatagpuan din sa ating mga kapatid na primates, specifically ang mga chimpanzees, na kung saan pag "available for sex" ang isang babaeng chimp, inilalapit nya ang kanyang pwet sa head monkey para lamas-lamasin, kurut-kurutin, at amuy-amuyin. Pag nagustuhan ito ng alpha male monkey, doon sila magse-sex. Nakakatawa kung iisipin, pero ang pagtingin ko pala sa boobs at pwet ay bahagi lang ng aking nature as a male. Ika nga ng tatay ni Jim sa American Pie, "it's a perfectly natural thing". Kung totoo ito, bakit masama ang tumingin? Tingin lang naman e. Walang hawak, walang hipo. Tingin lang.

Siguro nga, kultura lang ang nagpabago ng perspective natin sa natural urge na ito. Dahil sa relihiyon, ang pagtingin sa katawan ng babae ay nilagyan ng label na "pagnanasa". Dahil sa media, ang mga artistang babae na maganda ang boobs at pwet ay tinatakan na "sex symbol" o "pantasya ng bayan". At dahil sa marketing, ang liposuction, breast enhancement, at kung anu-ano pang retoke sa katawan ay ginagawa "to enhance the self confidence of a woman". Ang mga revealing na bra, ang mga push-up bra, ang mga binebenta sa TV na breast creams, yung cycling shorts na nage-enhance ng butt cheeks, ay tinatatakan na "personality enhancement apparel/tools".

At shempre, ang mga lalaking katulad ko na tumitingin lang ay tinatatakan na "manyak".



###############

Contributed by tabachoi


Posted at 06:35 pm by ching

Rigmarole Beaux
May 17, 2005   01:51 AM PDT
 
rOk On DUDE! thats right,..we "MEN" are sometimes misjudeged,..look lang naman e walang hawak,..and ive also watched it in discovery channel,..na yung male kung ok yung katawan good genes,..its perfectly natural ^^
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry
   

<< August 2004 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31


Moods

Links


send4fun
friendster
Faceparty
Myspace
JOkes
PAPAHULA NG LOVE
manilatonight
polls
pinoytonight
Vampiresname
Puso Sa Puso
Ewan
ewan2
Muzik

What Is Your Best Sexual Skill?
Name:
Age:
Sex:
Sexuality:
This fun quiz by lady_wintermoon - Taken 752560 Times.
Get Free Daily Horoscopes from Kwiz.Biz


Daily Horoscope
Horoscope for Pisces
05 Sep 2004
You will have a problem with your boss if you haven't done your job. It might be best not to spend your money on luxuries today. Think before you act.
Kwiz.Biz Daily Horoscopes for your Blog
Azteeeggg na binabasa ko



Twinkledream
shrapnel
Biik
Dolly
Balahura


NAKAKABADTRIP MAGMAHAL


minsan badtrip magmahal... iwasan mo, ikaw din masasaktan... sundan mo,ikaw din iiyak... bigay mo lahat kulang pa rin... nagpakatanga ka na,gagaguhin ka pa... minsan hintay ka nang hintay,di mo alam...iniwan ka na pala.

minsan na akong nagmahal... minsan na akong nasaktan... minsan na rin nagpakatanga dahil minsan 'minahal kita'. hahayaan ko pa bang maulit? bakit hindi? eh,minsan lang akong naging masaya nang mahalin kita...

di ba masakit pag iniwan ka? di ba masakit pag niloko ka? di ba masakit pag pinaasa ka? pero di ba mas masakit pag pinaniwala ka na mahal ka nya, kahit may mahal na sya iba... nagmahal ka na ba? pero inakala mong mali kaya tinago mo na lang? nasaktan ka na dahil alam mong mahal mo sya pero di mo maipakita?

nasubukan mo na bang magsisi na dapat sana ay sayo sya kung ipinadama mo lang sana... takot ako mawala ka...di ko alam kung bakit? di sa hindi ako mabubuhay nang wala ka...kundi takot akong dumating ung panahon na mahal pa rin kita...kahit wala ka na... pag nawala ako, siguro di un kawalan syo... di un makakaepekto sayo, pero gusto ko lang malaman mo, hapi ako...bakit? kasi kahit minsan sa buhay ko, nakilala ko ung sang katulad mo...

magmahal? marunong ako nun! ung tipo bang tanga ka na, sige pa rin kasi mahal mo siyang talaga... pero sa bandang huli... itatanong mo... tanga ba talaga ako? o mahal ko lang talaga siya...

mahirap makipaglaban sa bagay na alam mong talo ka... wala kang magagawa kundi hayaan mo na lang tumahimik hanggang ilayo niya siya sayo ang taong pinakamamahal mo, dun mo maiisip na sana pinaglaban ko siya... minsan natuto kang magmahal... minsan naranasan mong masaktan... minsan natuto kang umasa... kasi minsan minahal mo siya ng lubusan...


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed