ANG TAMANG PANAHON
Nung first year highschool ako una ko siyang
nakita. Napahinga pa
nga ako ng malalim habang hinahawakan ang
armchair ng mahigpit nung
pumasok siya sa classroom. Wow, sabi ko sa
sarili ko, Ito ang
lalaking magpapamemorable ng life ko. At naging
siya nga.
So, ayun nagkakilala kami. "O eto si .." sabi ng
common friend namin
ako naman si " Ay, Nice to meet you.. "( kunwari
pa kong di alam ang
name nya eh ultimo kung saan siya may nunal sa
katawan eh alam ko
na) with matching pa cute na smile at looking at
him from head to
toe. Na amazed pa nga ako kasi ang linis-linis nya
at
humahalimuyak ang pabango nyang Hugo Boss..
Aaah!!! Pwedeng-pwede!!
Ngumiti lang siya sa akin with matching takip ng
panyo sa mouth
niya. Aba, mahiyain… hmm….
Teka…
Ayun naging friends kami. Tawagan sa phone, text
sa cellphone
exchanging sweet messages throughout
highschool. Hanggang naramdaman
ko na lang nung isang araw… Yak.. inlove na yata
ako!! Hindi naman
pwede kasi may nililigawan siya, at nung binasted
siya, may
niligawan na naman siya at syempre ako hindi
man lang niya ako
niligawan. Siguro kasi pag niligawan niya ako
wala ng challenge!!!
At parang ako na ang nanligaw! Kasi naman lagi
ko siyang binibigyan
ng gifts pag may occasion basta kung anu-ano
ang binibigay ko sa
kanya. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit
pero napansin ko ni
balat ng candy wala siyang binigay sa akin.. kung
meron man eh isang
½ crosswise na paper na sapilitan ko pang hiningi
ka sa kanya para
naman may remembrance ako nung minsan
naging magkaklase kami.
Pero in fairness sinayaw naman nya ako nung 2
proms namin. Nandun
yung hinawakan nya yung kamay ko papunta sa
dance floor infront of
everybody na halos mapaiyak ako sa sobrang
saya at naisip ko na lang
na ayokong matapos ang gabing yun. Sa dami ng
napagdaanan ko nung
minahal ko siya, napagod na rin ako nung may
niligawan uli siya.
Hindi na ko makatiis hanggang nung Graduation
namin inamin ko sa
kanya na mahal ko talaga siya since first year.
Wala akong pakialam
kung anong isipin nya basta ang alam ko
kailangan ko na sabihin
dahil baka hindi na kami magkita. Nakatingin
lang siya sa akin huminga sya ng malalim at bigla
niyang
sinabing.. " Kasi… ano…Friends lang talaga eh."
sh*t!!!! Nanlaki
ang mata ko non tapos bigla na lang ako tumawa
ng malakas "Sabi ko
nga eh. Hahaha!" with matching hampas pa sa
braso niya. Tapos non eh
pinilit ko siyang kalimutan.
Nag college na ko maraming cute pero ….
Haaay…. Wala pa ring maka
higit sa kanya. May nanligaw naman sa akin nung
mga time na yun,
Isang cute na fil-am, yung coño kong friend at
isang cute na guy
na mas bata sa kin ng 3 yrs kaya lang hindi ko sila
maiwasang I
compare sa kanya. Bakit siya cute sya ngumiti?
Bakit siya ang
napapangiti niya ako ? Sasagutin ko na sana
yung isa dahil hindi na
ito normal! Goodluck! Hindi ko pa rin kaya! Bigla
kong naisip na
KUNG HINDI LANG SIYA.. WAG NA LANG.
Naisip ko na minsan lang pala
ako umibig.Naisip ko na sa isang lalaki ko lang
pala gagawin yung
mga kagagahan at kamamasangan ko. Siya lang
talaga ang hinihiyaw ng
puso ko. Haaay.. nakakainis!!!
Anyway, hindi ko na siya nakita for 5 years, pero
nababalitaan ko pa
rin yung mga nangyayari sa kanya. Gumraduate
na siya.. (Uuuy,
Congrats!), May trabaho na siya ( Goodluck sa
job!) May
girlfriend na siya ( I'm happy for you…waaah!) at
kung anu-ano pa .
Tutal naman may career
na ko and the money's good at naalagaan ko yung
parents ko and I can
hang-out with my friends kaya okay lang pero…
parang kulang pa rin
dahil naiisip ko pa rin siya. Mas mabuti na rin yung
ganito kasi
ayun nga sa kanta " I'll know I'll never love this way
again"
hindi na ko makakapagmahal ng todo-todo na
umaapaw uli sa isang
lalaki.
Isang hapon habang nagdadrive na ko pauwi
napasabak pa ko sa
traffic. Napatingin ako sa kanan ko sa katabi kong
car. Napansin ko
pa nga yung kamay ng driver. Naalala ko yung
kamay nung minahal
ko sa sobrang kakatsansing sa kamay non eh
syempre sinong di
makakamemorize non noh! Anyway, tumingin na
ko sa highway. Grabe
traffic pa rin!! Birthday pa naman ng friend ko
nung highschool at
excited na kong makipagtsismisan. Pagtingin ko
uli sa kanan sa
mamang may cute na kamay eh bigla akong
nagulat nakatingin pala sa
akin yung driver. Ako naman tong si iwas. After
kong nabigo sa pag-
ibig nung highschool eh nagsusuplada na ang lola
niyo .
After ng matagal na traffic eh nakarating na ko sa
party ng friend
ko syempre walang humpay na tsismisan at
tawanan at balitaan sa mga
buhay-buhay namin. Biglang may dumating na car
na parang
familiar sa akin tapos biglang bumaba yung tao
sa loob . Biglang may
nagsalita sa likod ko " Hoy, pare!! Ang tagal mo!"
bigla siyang
nagsalita with matching punas ng panyo sa noo. "
Traffic eh." With
matching ngiti at humalimuyak na naman ang
Hugo Boss sa ilong ko.
O, HINDEE!! ANG LALAKING NAKASABAY KO
SA TRAFFIC NA MAY MAGANDANG
KAMAY……
Biglang sabi ng friend ko sa kanya " Teka naalala
mo pa ba si…?"
AY WALANG IBA KUNG HINDI ANG TANGING
LALAKING MINAHAL KO ALL MY
LIFE.
Gusto kong magpalamon sa lupa, magpakalunod
at sakalin ang friend ko
sa sobrang hiya. Hindi pa ko handang makita
siya!!!
Bigla siyang tumingin sa akin at sinabing." OO
NAMAN. ALALANG-
ALALA."
Whaaat?? Ano uli???
Naalala nya pa ko!!!
At ang hayop kung kaibigan ay iniwan kaming
dalawa. Ayun, tanong sya
sa kin ng tanong sa buhay ko. Nag-alok siayng
ihatid ako sa bahay
sabi ko may car ako. Tumawa siya at sabi
niyang "Oo nga ikaw nga
yung nakita ko sa traffic!!"
Lagi niya akong sinusundo sa office ko,
nagdidinner din kami at
syempre tinatawagn niya ako sa bahay ko gabi-
gabi. Hindi ko alam
pero parang bumaligtad yata ang mundo!
After 2 months, naging kami.
After 1 year, nagpakasal na din kami.
Before kaming ikasal sinabi niya sa akin
" Naalala mo nung gumraduate tayo at pinagtapat
mo sa akin na mahal
mo ko?" Namula na lang ako bigla at nag joke "
Ah.. yun? Bata pa ko
non!"
Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at
sinabing " Hindi na tayo bata
non. Mas pinili kong makakilala ng mga maling
babae kesa maging
tayo sa maling panahon na hindi pa tayo handa.
Unang kita ko pa lang
syo, narandaman ko na ikaw na ang babaeng
para sa akin"
Napatingin muna ako sa kamay niya na buong
highschool kong
pinagnasaan at sa mukha nya. Ano ba to!!
Naiiyak ako kasi naiiyak
din siya. Totoo ba ito?
At naramdaman ko ang yakap sa amin ni LORD...
Kami nga talaga para sa isa't isa
At ito na nga ang tamang panahon...ü
YESSSSSSSSS birthday ko na naman.... YEEEPPPEEEEE................. lam nyo ang sarap ng feeling pag birthday mo, kac parang hindi ordinaring araw lang eto, para kang nakalutang sa hangin..haaayyyyy nagun
pagpasok ko sobra ang dameng bumati, naiiyak na ako...huhuhuu.. kailangan talaga magpakasaya ka ngaun dahil pasasalamat dahil dumating ka pa sa ganitong edad im 18 na debut ng mga babae.. habang sinusulat ko e2 may kumakanta saken ng happy birthday, yeeeeeeeeeepppppppppeeeeeeee..... ang saya saya ko talaga grabe, ang panget na nga ng isinusulat ko eh...hehehehehe......... kaya magpakasaya kayo pag birthday nyo kac minsan lang eto sa isang taon at pasalamatan nyo ang nanay nyo dahil inuluwal kayo d2 sa ating mundo..... MABUHAY ANG MAY BIRTHDAY NGAUNG AUGUST 31, 2004
Wag nyo toh basahin kung ayaw nyong magbago
pananaw nyo.. hump!
Message: PAKUNDANGAN SA MGA IN LAB
>>Pakundangan sa mga "in-lab" pero ito ay isang
essay na maaring
>>magbago sa pananaw ninyo. Kung gusto niyong
manatili sa
>>relasyon...pwede niyong iwasan ang essay na
ito. pasensya na, magfa-
>>finals na... kelangan mag-output ng data mula
sa memory para
>>magkaroon ng free space pag nagreview na....
>>
>>THESIS STATEMENT: "LOVE IS A STATE OF
MIND"
>>
>>note: ang limitation ng definition ng love dito ay
ung pang-bf-gf
>>lang...ayt?!
>>
>>Tama po ang nabasa nyo....LOVE...from the
mind, hindi sa "heart". Di
>>kayo maniwala? ganito un.... Kayong mga
girls... pag nililigawan
>>kayo, bakit niyo sinsagot guy? Kc mahal nyo?
ulul! kasi nakukulitan
>>na kayo... E ARAW-ARAW NIYO BA NAMANG
KA-TEXT, KA-CHAT, AT KASAMA,
>>CYEMPRE MAREREALIZE NYO NA HE'S
WORTH HAVING AROUND PALA. eventually,
>>at this stage, maiisip nyo na ay, "mahal ko pala
siya"... pero ang
>>desisyon bang iyon ay galing sa puso? HINDI!!!!
Kaya nga pag
>>tatanungin nyo ang nililigawan nyo, anong sagot
niya? "PAG-IISIPAN KO
>>MUNA"...
>>
>>Kaya kayo mga lalaki, wag lalakE ang ulo pag
cnagot na kayo dahil
>>ung "OO" na binigay niya ay hindi ibig sabihin
na, "OO, NARAMDAMAN
>>KONG mahal na din kita", kundi " oo, naisip ko
na masarap ka palang
>>ka-text, ka-chat, at kausap sa maghapon..NXT
WEEK KO NA LANG
>>TITINGNAN KUNG TALAGANG MAHAL NGA
KITA, baka magsawa ka pa..." Kung
>>halimbawa ba , nakasabay mong manligaw sa
kanya ung kababata niya or
>>ung bestfriend nya, sasagutin ka pa kaya niya?
ASA KA PA!!!
>>
>>ETO pa... bakit mas madaling "mahalin" ang
gwapo at maganda?
>>Kasi, kapag gwapo o maganda ang isang tao,
mas madaling imaginin na
>>sila ang kasama mo, kayakap mo...kasiping
mo... OO, KASIPING...Di ba
>>dun naman ang uwi ng mga "lab-lab " na
sinasabi nyo na yan?! ...Ano,
>>napag-isipan nyo na..?
>>
>>Kayo naman mga guys, paano niyo nalalaman
na inlab pala kayo?
>>sasabihin nyo na lang na paggising mo, mahal
mo na siya? ULUL!!!
>>Malamang, bago kayo nagising, naisip niyo na
mahal mo pala siya dahil
>>NAPANAGINIPAN MONG KA-SEX MO
SIYA...or other events close to
>>it...right?!!!
>>
>>Siguro nga ay tama si AGENT SMITH, "Love is
just a word".... It has
>>no emotions...only thoughts, imaginations. Bakit
ba kung ano-ano ang
>>ginagawa ng taong "in-lab" daw? Sabi nila,
ganoon daw talaga ang pag-
>>ibig... NEKNEK!!! Kasi, iniisip nila na under
spell nga sila
>>nitong "love" na ito kaya sa tingin nila may
karapatan na silang
>>magbaliw-baliwan!parang paglalasing lang
yan...PAG LASING KA, PWEDE
>>KA NAMAN MAGING PEACEFUL...DAPAT
NGA MA2LOG K NA LANG E, PERO BAKIT
>>MAY MGA NAG-AAMOK PAG LASING? KASI
AKALA NILA DAPAT WILD ANG
>>LASING!!! yOU SEE, "LOVE" is like fear...IT'S
ALL IN THE MIND!
>>
>>Bakit inspired ang tao pag "in-lab?" Kasi po,
inspiration comes from
>>the mind! Hindi un nararamdaman...
INSPIRATION is A MENTAL
MOTIVATION.
>>
>>Pero kung mapilit kayo at gusto niyong
ipagpilitan na nararamdaman
>>yang pagmamahal na iyan...cge nga, HOW
CAN WE KNOW IF WE ARE ACTUALLY
>>EXPERIENCING TRUE LOVE AND NOT JUST
ITS MIND COUNTERPART?
BAKIT MAHILIG TUMINGIN ANG LALAKE SA BOOBS AT PWET ng babae
MRT. Bus. Jeep. Mall. Classroom. Office. Bar. Kahit saan ka yata pumunta, makakakita ka ng isa o grupo ng mga lalake na matitigilan at mamamangha sa presence ng isang babae (minsan ex-lalake) na may malaking boobs o magandang hugis ng pwet. May mambabastos, may mapapangiti, may mapapatitig, at ang karamihan ay gagamit ng kanilang "pornographic memory" para magamit pag-uwi sa bahay.
May isa akong nakilalang babae na malaki yung boobs, 36C. Naiinis siya kasi lahat ng kausap niyang lalaki hindi maka-maintain ng eye-to-eye contact. Isa na ako dun sa mga lalaking yon. Dati naman kasama ko yung girlfriend ko. Nag-away kami dahil hindi ko namalayan na nasundan ko pala ng tingin yung isang babaeng mala-Jennifer Lopez ang likod. At nang minsang nakasakay ako sa bus at walang maupuan, hindi ko mapigil lingunin nang lingunin ang cleavage nung isang nakaupo.
Dito ako napatigil at napaisip. Manyak ba ako?
Ano nga ba ang dahilan kung bakit mahilig tumingin ang lalaki sa boobs at pwet ng babae? Tsaka bakit halos lahat ng lalaki, hindi lang ako? Bakit madaming nagpapalaki ng boobs para mapansin lang? Bakit prerequisite ang hugis ng katawan para masabi mong maganda talaga ang isang babae?
Sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong na ito, sinubukan kong mag-search sa Google. Maniwala kayo sa akin, mahirap maghanap ng kasagutan sa tanong na "Why men love looking at big breasts" sa internet. Hindi kasagutan ang ibibigay sa yo kundi mga links sa porn sites. Buti na lang may kakilala ako na nagsabi sa kin na tumingin sa "evolutionary psychology". Evolution as in Darwin, Psychology as in Freud.
Ayon sa mga sites at forums na nagdi-discuss ng evolutionary psychology, iisa lang ang direction ng evolution. Ito ay ang pag-maximize ng chances sa survival. Ang lalaki ay pipili ng babae na makakapag-ensure ng survival ng kanyang offspring, at ang babae naman ay pipili ng lalake na makakapagbigay ng magandang genes.
Hindi na ako nagtataka kung bakit ang mga babae ngayon ay tumitingin agad sa CAR-acter at sa PESO-nality ng lalaki. Ito ay rooted sa mga ninuno natin na ang pinakamagaling na lalaki sa isang tribe ay ang pinakamaraming maiuuwing game mula sa hunting nila. Natural na sa babae ang maghanap ng isang "provider".
Gayun din na ang fixation ng lalaki sa malalaking boobs ay rooted daw sa idea na ang mga ito ay makakapagbigay ng "nourishment and sustenance". Kapag malaki ang boobs, mas malaki ang chances ng survival ng offspring. Ang pagtingin naman sa pwet ay natatagpuan din sa ating mga kapatid na primates, specifically ang mga chimpanzees, na kung saan pag "available for sex" ang isang babaeng chimp, inilalapit nya ang kanyang pwet sa head monkey para lamas-lamasin, kurut-kurutin, at amuy-amuyin. Pag nagustuhan ito ng alpha male monkey, doon sila magse-sex. Nakakatawa kung iisipin, pero ang pagtingin ko pala sa boobs at pwet ay bahagi lang ng aking nature as a male. Ika nga ng tatay ni Jim sa American Pie, "it's a perfectly natural thing". Kung totoo ito, bakit masama ang tumingin? Tingin lang naman e. Walang hawak, walang hipo. Tingin lang.
Siguro nga, kultura lang ang nagpabago ng perspective natin sa natural urge na ito. Dahil sa relihiyon, ang pagtingin sa katawan ng babae ay nilagyan ng label na "pagnanasa". Dahil sa media, ang mga artistang babae na maganda ang boobs at pwet ay tinatakan na "sex symbol" o "pantasya ng bayan". At dahil sa marketing, ang liposuction, breast enhancement, at kung anu-ano pang retoke sa katawan ay ginagawa "to enhance the self confidence of a woman". Ang mga revealing na bra, ang mga push-up bra, ang mga binebenta sa TV na breast creams, yung cycling shorts na nage-enhance ng butt cheeks, ay tinatatakan na "personality enhancement apparel/tools".
At shempre, ang mga lalaking katulad ko na tumitingin lang ay tinatatakan na "manyak".
Well naging ninong nga pala ako nung sunday August 15, 2004, imagine? first time kong naging ninong.heheheh ang pangalan ng inaanak ko ay Sophia Marie ganda noh? mukang tuloy tuloy na ako sa mga magagandang inaanak.heheh. nagbigay din naman ako ng regalo ika nga PAKIMKIM! dko na sasabihin sa inyo ang kung magkano no? shit(!!#$%&^&*) nasabi ko rin pala tama pera lang binigay ko, nakakahiya man pero kahit na atleast may PAKIMKIM kac si Gian (tatay ni Sophia). biglaan ung pagkasabi sinabi lang nya noong mga panahong kinakapos ako sa pera August 13 2004, nya sinabi na ninong daw kame, pero excited na ako nun kac hindi ko pa talaga nararanasan na maging ninong kinakabahan nga ako. heheheh... dun nga sa simbahan akala ko mag iispeech pa ung mga ninong at magsasabi ng WORD OF WISDOM sa inaanak.. para ngang dumidilim na ung paningin ko ung papalapit na ung PADRE..... sobrang kaba na talaga... tapos un pala sisindihan lang pala namin ang kandila na may laso na kulay ASUL. then titingnan namen ung bata upang maging saksi na gawin ng tunay na KRISTYANO.heheh.. tapos aion kainan na then toma toma na.. 3 case na redhorse at kalahating SAN MIGLIGHT! sinabi pa talaga noh??hehhe! na badtrip lang ako sa isa kong kong kaklase na binibiro ko lang then bigla na lang nagali hindi naman sya lasing kame lang naman.. hehehe.. bayaan mo na un... cge...PAALAM..
“What we had was perfect, what we had was true. I loved you completely and so did you. But what we had was over; it’s all in the past. I guess, we just had to accept that good things never last…”
“Ingatan mo ang sarili mo, ha” sabi mo. At iyon ang mga huling salitang narinig ko mula sa 'yo.
“Oo, salamat.” ang mga huling salita na binigkas ko sa harapan mo at isinunod ko ang isang ngiti. Isang pilit at mapait na ngiti.
Tumalikod na ako at iniwan kang tahimik na nakamasid sa dahan-dahan kong pag-alis.
Matagal na tayo, matagal na tayong magkaibigan. Hindi ko na matandaaan kung kailan pa iyon nag-umpisa. Kapwa na lamang nating nagisnan na magkaibigan na tayo. Parang magkapatid. Sa haba ng panahong iyon, marami na tayong napagdaanan. Walang inilihim sa isa’t isa kahit na kailan. Halos lahat ng mahahalagang okasyon sa buhay ko, lagi kang nariyan. Napakaganda ng samahan natin, walang kawangis.
Dumaan ang mga araw, buwan at taon. Malaki na tayong dalawa, ngunit hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo natin sa isa’t isa. Pinatibay na siguro ito ng panahon. Sa hindi inaasahang pagkakataon, dumating ang panahong hindi na tayo masyadong nakakapag-usap. Padalang ng padalang hanggang sa tuluyan na itong nawala. Pero hindi mawawala ang isang taong tulad mo sa aking puso, nanatili ka rito. Umabot ito ng mahigit isang taon. Isang mahabang taon. Marahil ay dala ito ng ating pagtanda. Naging abala tayo sa sari-sarili nating buhay, ang buhay kolehiyo.
At dumating ang pinakahihintay na sandali, ang pagkikita nating dalawa. Napakasaya, nakakalunod sa saya. Naparami nang nagbago sa’yo – sa iyong mukha, sa iyong pananamit. Napakakisig mo na. Binata ka na nga. At hindi rin magkamaway ang pagbati mo sa mga pagbabagong naganap sa akin – sa aking kilos at pananalita. Hindi mo na ako kinakitaan ni bahid ng kamusmusan, sabi mo. Iniwan ko na ang pagigig neneng. Ang saya! At sa wakas ay nadugtungang muli ang natulog nating pagkakaibigan…
Isang pangyayari na naman ang dumating sa buhay nating dalawa. “Mahal kita. Matagal na.” ang halos pabulong na mga salitang binigkas mo na nagpabago sa ating mundo. Napatulala ako, nabigla. Pero natuwa ako at napangiti. Isang tunay at matamis na ngiti. Gusto mong umalis n’on, akala mo, hindi ako naniniwala sa’yo at pinagtatawanan kita. Pinigilan kita sa pamamagitan ng paghawak sa iyong braso at sabay sabi ng “’Wag kang umalis. Gusto kita dito. Mahal din kita.” Napatigil ka sa iyong paghakbang. Nilingon mo ako at siniguradong sa akin galing ang mga salitang iyon…
Lagi tayong nagkikita mula noon, ngunit iba na ang pakikitungo natin sa isa’t isa. Mas malalim. Alam na ng lahat ang pagbabago sa ating dalawa. Masaya din sila para sa atin. Walang hadlang. Wala…
Isang buwan na tayo sa ating bagong mundo. “Kelan pa?” tanong ko sa iyo. “Ang alin?” ang malambing mong tanong. “Kelan mo pa naramdaman na mahal mo ‘ko? Gaano na katagal?” ang sabi ko sa iyo. Humarap ka sa akin, ngumiti. “Matagal na, matagal na matagal na. Highschool pa." Nanlaki ang mga mata ko. “Noon pa!?! Bakit…” “Hindi mo lang alam kung gaano na ako katagal nag-iipon ng lakas ng loob para lang masabi ko ‘yon sa’yo. Naihanda ko na rin ang sarili ko sa pagtanggi mo, baka kasi ayaw mo, baka kasi hanggang kaibigan lang talaga ako. Ikaw, kailan pa?” ang sabi mo. Ngumiti ako. Ibinalot ko ang aking mga braso sa iyong baywang at hindi na muling nagsalita. Gusto ko sanang sabihin na “Matagal na rin. Baka nga sabay pa tayo e.” pero hindi ko na ito sinabi, tama nang malaman mo na mahal kita.
Nadagdagan pa ang mga araw. Lagi tayong lumalabas. Lagi tayong magkasama. Lagi-lagi. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Oo, paulit-ulit. At dumating ang puntong nagsasawa na ako, pero pinili kong huwag itong ipaalam sa’yo. Sabi ko sa sarili ko, lilipas din ito. Hindi naman ako binigo sa bagay na ito, nalabanan ko ang pagkasawa. Bumalik ang dati kong sigla. Ang akala ko’y hindi mo ito napansin, mali pala ako…
Minsan, hindi maiwasan ang mga simpleng away. Mga away na nadadaan sa konting lambing ngunit hindi tunay na nasosolusyunan. Hanggang sa ang mga ito ay lumala, hindi na natin malaman kung saan ito nagmula, kung ano ang puno nito. Dumaragdag ang sakit sa bawat araw nating pag-aaway. Padagdag ng padagdag, pabigat ng pabigat. Nahihirapan na ako. Hindi ko ito sinabi sa’yo dahil ayaw ko mawala ka. Halos buong buhay ko, kasama na kita. Pero hindi ko na talaga kaya. Mga maliliit at walang kwentang mga bagay na ang pinagtatalunan natin. Hindi ko na matiis, sinabi ko na ito sa’yo. “Mag-usap nga tayo!” ang matigas kong sabi sa’yo. Pinipigil ko ang aking mga luha sa pagpatak. Ayaw kong makita mo ang mga ito. Nilingon mo lamang ako. Walang bahid ng emosyon ang mukha mo. “Ano bang gusto mong mangyari? Gusto mo pa ba ituloy ‘to?” ang tanong ko. Humarap ka at malumanay na sinabing “Ikaw, ano bang gusto mo?” “Ano ba kasing problema natin? Hindi ko maintindihan. Tinatanong kita kung gusto mo pa? Nahihirapan na kasi ako. Sabi mo dati hindi mo ‘ko pahihirapan di ba?” at isinumbat ko sa iyong lahat ang mga bagay na sa tingin kong pagkukulang mo. Inilabas kong lahat ang sama ng loob, ang bigat sa aking dibdib. Pinipigil ko pa rin ang mga luha ko, sa kadahilanang ayaw kong makaramdam ka ng awa. Hindi ko inisip ang damdamin mo.
Sa kaunting liwanag sa silid na nagmula sa sinag ng buwan, nakita kong kumislap ang iyong mga mata. Nangilid ang mga ito sa luha. Hindi pa rin ako natinag sa aking pagmamatigas. “Pwede bang mag-isip muna ako?” ang mahina mong tanong. Hindi ako pumayag. “’Wag na lang kaya…” ang halos pabulong mong tugon. Tumigil bigla ang mundo ko. Masakit, kahit inihanda ko na ang sarili ko sa sagot mong iyon. Hindi pa rin tumulo ang luha ko. “Lagi na kasi kitang nasasaktan. Ako na lang lagi ang dahilan ng pag-iyak mo.” ang pagpapatuloy mo. Sinagot kita, “Kung talagang mahal mo pa ako, hindi mo ako sasaktan!” “Hindi ko naman sinabi na hindi na kita mahal.” Ang pagtatanggol mo sa iyong sarili. “Mahal na mahal nga kita eh! Ang hindi ko lang matanggap ay parang walang kwenta sa’yo ang lahat ng ginagawa ko para sa relasyon natin. Pakiramdam ko, wala akong kwentang tao!” ang dugtong mo pa. Napatigil ako. Masakit dahil totoo. Tumalikod ako sa’yo. Nangilid na rin sa luha ang aking mga mata. “Nagbago ka na kasi. Nasaan na ang dating ikaw?” ang tanong ko sa iyo. Mahina ang iyong tugon, “Hindi ko alam, hindi ko talaga alam…” Huminga ako ng malalim, humarap sa iyo at lakas loob na sinabing “Wala na nga sigurong patutunguhan ang relasyong ito. Marahil, hindi tayo para sa isa’t isa. Salamat sa lahat.” “Ingatan mo ang sarili mo, ha” sabi mo. At iyon ang mga huling salitang narinig ko mula sa’yo. “Oo, salamat.” ang mga huling salita na binigkas ko sa harapan mo at isinunod ko ang isang ngiti. Isang pilit at mapait na ngiti. Tumalikod na ako at iniwan kang tahimik na nakamasid sa dahan-dahan kong pag-alis. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking mga luha, at binagtas ang daang nasa aking harapan…
Matapos ang isang buwan, isang mahabang buwan. Dumating ang iyong Mama sa aming bahay. “Iha, pwede ka bang sumama sa akin? Puntahan mo naman siya. Kahapon ka pa niya hinahanap.” ang pakiusap ng iyong Mama. Tatanggi sana ako dahil hindi pa kita kayang harapin, ngunit hinawakan niya ang aking kamay. Nakita kong tumulo ang kanyang mga luha.
Pagdating sa bahay ninyo, tumulo na lamang ang luha ko… Ang bigat. Hindi ko kaya. Sa harap ng salamin, pilit na pinipintahan ko ang aking mukha ng ngiti. Isang pilit at mapait na ngiti.
Pagkatapos ang iyong libing, ipinaliwanag sa akin ng iyong Mama na matagal mo nang alam na may sakit ka at may taning na ang iyong buhay. Pinili mo na hindi ito sabihin sa akin. Ayaw mo raw na kaawaan kita. Ang gusto mo raw ay tunay na pagmamahal. Ginawa mo raw ang lahat para maging masaya ako, tayong dalawa bago mo tuluyang lisanin ang mundong ito. Pero binigo kita. Ako pa na matalik mong kaibigan at kaisa-isang babaeng minahal mo ang nagbigay sa iyo ng hapdi at sakit sa huling mga sandali ng iyong buhay. Hindi man lang ako nakahingi sa iyo ng tawad sa mga panunumbat na ginawa ko. Alam ko namang may kasalanan din ako. Ang laking pagkakamali na iniwan kita. Mahal naman kita talaga, hanggang sa mga sandaling ito. Totoong pagmamahal. Pangako, iingatan ko ang sarili ko. Iyon na ang pinakamabuti kong magagawa para sa iyo…
Nag-“I love you” sayo ang taong di mo
naman
gusto! Ano ang gagawin mo?!?
Message: GUYS SAY:
1. Hahaha…that’s so funny…tell me another
joke.
2. Aaah…ano?! (tulala)
3. Hindi tayo talo!
4. Sori ha! Mas mahal ko PC ko eh!
5. Mars, lalaki rin gusto ko.
6. Waah…bakit mo ginagawa ‘to sa kin?
7. Ah, ganun?
8. It’s not you…it’s me. I’m sorry.
9. Libre muna!
10. Thank you Lord, may nagmahal na sa ‘kin.
11. Sorry, may sis akong mahal eh.
12. I’ll try to fit you in my schedule…
13. Stay away from me Satan!
14. Gandang hirit ah!
15. Diyos ko!!! Tao lang ako! Di kita
matitiis!
16. O tukso… layuan mo ako…
17. Bakit ganun ang buhay? Mahal mo ko,
mahal
ko siya, mahal nya iba…
18. AKO? OK KA LANG?
19. No Space for New Girlfriends
20. Alam mo dati, in-love na in-love ako
sayo…
21. Maganda ka sana kaso…
22. Ahh...ehhhh...EWAN KO SA MUKHA MO?!?
GIRLS SAY:
1. Okay! Fine! Whatever!
2. Pare, mahal ko si Maria eh.
3. Ah, ok! BYE!!!
4. Yuck! Duh?!!
5. …no nga ung assignment natin?
6. Pwede ba?! Wag ako pag-practisan mo!
7. Well, the feeling is mutual. I LOVE ME
TOO!
8. AYOKO SAYO!
9. Can you keep a secret? Crush ko
bestfriend mo eh.
10. So ano yung punchline?
11. Mukha mo…
12. Pagawa muna ng project
13. So???
14. Kahit sabihin kong may chest hair ako?
15. Alam ko na yan!!!
16. Ayos, may aalipustahin na naman ako
17. I LOVE YOU?! I LOVE YOU?! Kaya walang
nangyayri sa buhay mo eh…puro ka na lang love…
Hunghang!
18. Ganyan ka na lang lagi ah…para kunin ka
na ni Lord.
19. Look oh! Yung mga flies dumadapo sa
sugat
ko…cute noh?1?
20. Insured ka na ba?
21. Bro, isipin mo na lang ang mga magulang
mo na nagpapakagirap para mapag-aral ka.
22. Tol, paying kaibigan lang ha, pero
walang
papatol sa pick-up line mo eh.
23. Napakabata ko pa para maging kirida mo!
24. (while covering both ears) BLAH! BLAH!
BLAH!
25. "wag kang lasheng! steeg!"
26. babatukan sabay sabi ng "gagu! pareho
tayong
may pepe!"
27. uubo..iirap..tatayo at magwa-walkout
28. PWEDE RIN! <-----jm
29. :) hiniling ko prinsipe eh...nde palaka!
next
pls mahaba ang pila
30. ei walang tablahan...........i dnt care
31. what do you mean?
32. bakit sa lahat ng babae sa mundo ako pa???
hnd talaga ako luv ni lord. huhuhuhu
Haaayyyyy! hirap talaga kung wala kang itsura noh? hanngang frends na lang ang tingin sayo pero ok na un kesa i etshapwera ka nila! sana kamuka ko na lang si jerry yan ng F4 noh? kahit napakaganda ng lapitan ko kakausapin kagad nila ako at bibigay agad sila ika nga "PAG DUMIGA KA LAGLAG PANTI NILA" un ang gusto kong mangyari kaso ewan ko bakit kasi may panget pa d2 sa mundo pwde namng pantay pantay lang ma pulubi dapat gwapings noh? minsan nga pinagdadasal ko sa ating mahal na panginoon na gumwpo ako ung lalapitan ng babae ika nga "FEMALE MAGNET" diba??? ung ibang guys dyan gus2 rin maging sa pinapangarap ko noh? aminin!!!!! tsaka sa mga babae din diba di pa kayo contented sa face nyo? meron dyang nagfafacial pa, papaderma at kung ano ano ang nilalagay nila sa kutis nila, napanood nyo ba ung commercial ung pampapaputi ung baby maitim pero ung nanay ang itim gumamit lang ng BIOLINK ba un.... eto lang maientry ko ngaun magdadasal pa ako.........heheheheh
minsan badtrip magmahal...
iwasan mo, ikaw din masasaktan...
sundan mo,ikaw din iiyak...
bigay mo lahat kulang pa rin...
nagpakatanga ka na,gagaguhin ka pa...
minsan hintay ka nang hintay,di mo
alam...iniwan
ka
na pala.
minsan na akong nagmahal...
minsan na akong nasaktan...
minsan na rin nagpakatanga dahil
minsan 'minahal
kita'.
hahayaan ko pa bang maulit?
bakit hindi?
eh,minsan lang akong naging masaya nang
mahalin
kita...
di ba masakit pag iniwan ka?
di ba masakit pag niloko ka?
di ba masakit pag pinaasa ka?
pero di ba mas masakit pag pinaniwala ka na
mahal
ka nya,
kahit may mahal na sya iba...
nagmahal ka na ba?
pero inakala mong mali kaya tinago mo na
lang?
nasaktan ka na dahil alam mong mahal mo sya
pero di
mo maipakita?
nasubukan mo na bang magsisi na dapat sana
ay sayo sya kung ipinadama mo lang sana...
takot ako mawala ka...di ko alam kung bakit?
di sa hindi ako mabubuhay nang wala ka...kundi
takot akong
dumating ung panahon na mahal pa rin
kita...kahit
wala ka na...
pag nawala ako, siguro di un kawalan syo...
di un makakaepekto sayo, pero gusto ko lang
malaman
mo, hapi
ako...bakit?
kasi kahit minsan sa buhay ko, nakilala ko ung
sang katulad mo...
magmahal? marunong ako nun!
ung tipo bang tanga ka na, sige pa rin kasi
mahal
mo siyang talaga...
pero sa bandang huli... itatanong mo...
tanga ba talaga ako? o mahal ko lang talaga
siya...
mahirap makipaglaban sa bagay na alam mong
talo
ka...
wala kang magagawa kundi hayaan mo na lang
tumahimik hanggang ilayo
niya
siya sayo ang taong pinakamamahal mo, dun
mo
maiisip na sana pinaglaban
ko
siya...
minsan natuto kang magmahal...
minsan naranasan mong masaktan...
minsan natuto kang umasa...
kasi minsan minahal mo siya ng lubusan...